16

129 11 2
                                    

Text

Nag-usap sila sa sala. Ako naman ay sinusubukang  pahabain ang pasensya at magtago na muna. Di ko alam ang matibay na rason kung bakit nandito ako ngayon sa kwarto nagtatago habang ang isang babae sa labas ay buong kumpyansa ang pakikihalubilo at mukhang nag mamay-ari sa buong condo.

Nagtimpi ako sa loob ng silid na iyon. Natigil na rin ang pagkatok ni Eion sa pintuan ko at in-ertertain na muna ang bisita.

"Oy, malaki na talaga 'tong si Jasper Eion ah!" puna ng isa babae, hula ko mommy ito ni Divinia.

"At mas gumwapo pa!" dagdag naman ni Divinia.

"Malapit na rin 'tong gumraduate" pagbebenta ng mama ni Eion. Diniinan ko ang tainga sa pinto nang mapansing palayo sila.

"May girlfriend na ba ito, Carmencita?"

"Meron-" sinubukang sumagot ni Eion pero pinutol siya ng mama niya.

"Wala pa nga eh" tumatawa pa ang mama niya.

Nag-usap pa sila sa iba't ibang bagay. Sinubukan kong intindihin si Eion. Siguro, respeto nalang diba? Kaya niya kinakausap ang pamilya ni Divinia?

"Tamang tama wala din kasing boyfriend si Divinia" sabi ng mommy ni Divinia.

"Naku, baka meron na 'yan ma" malanding tumawa si Divinia.

"Divinia, wala akong nakikitang nakaaligid na babae kay Eion"

"Ma!" sita ni Eion.

"Bakit mayroon ba?" pamaang-maangan ng mama niya. "Mga fling siguro... di nagseseryoso eh" tawa pa niya.

I sighed in disbelief. Napipigtas na ang pasensya.

"Siguro nga tita. Nahihiya na marami siyang fling eh" tawa ni Divinia.

"Nagpapa good points siguro sa iyo iha" halakhak ng mama ni Eion.

Nagpatuloy ang usapan. Umaapila si Eion pero pinipigilan lang siya ng mama niya. Obviously, gusto ng mommy ni Divinia at mama ni Eion na maging sila.

"Maglibot libot lang muna kami sa condo?" paalam ng mama ni Eion at isinama ang mommy ni Divinia.

"Sure tita" sigaw ni Divinia.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Mas naging kuryoso ako sa nangyayari. Mula sa pintuan sinilip ko ang labas. Binuka ko ang pintuan. Maliit lang ang pagkakabuka, para lang makasilip ako. Di naman iyon napansin ni Divinia.

Nakaupo silang dalawa sa sofa, nakatalikod sa akin. Maya-maya lang ay sinandal ni Divinia ang ulo sa balikat ni Eion. Nanigas si Eion sa pagkakaupo. Dumating na rin ang magulang nila.

"Uy, mukhang nagkakamabutihan na kayo ah" puna ng mommy ni Divinia.

"Sa totoo nga nanliligaw si Eion sa akin!" pag-amin ni Divinia.

"Divinia!" napasigaw na si Eion at inilayo ang ulo ni Divinia sa balikat niya.

"Oh bakit nahihiya ka?" humagikhik si Divinia.

"Talaga?" tanong naman ng mommy niya.

"May mga text siya dito oh" segunda ni Divinia.

"Naku naman! Madiskarte pala itong anak ko" maligayang pumapalakpak ang mama ni Eion.

Wala akong narinig na pag-apila ni Eion. Doon na ako tuluyang nawalan ng pasensya. Padabog kong binuksan ang pinto.

"Oh my gosh!" maarte pang sumigaw si Divinia ng makita ako. "Sino ba iyon?" tanong niya at nilingon ako.

Tingnan mo nga! Di pa pala ako naipakilala ni Eion sa babaeng ito! Wow!

Lumapit ako kay Divinia "Patingin nga" nag-aalinlangan pa siya pero inabot din naman niya. Binasa ko ang mensahe.

"Hoy babae, anong pinaggagawa mo?!" sita ng mama ni Eion.

Eion: Siguro naman wala ka pang boyfriend no?

Eion: I think I'm getting comfortable now with you. Let's meet...

Sinend ang text messages na ito one week ago. Nakita ko iyong mga mensahe ni Eion kay Divinia na noong binasa ko sa phone ni Eion ay wala naman. Dinelete ni Eion! Bakit? Guilty siya!

"Francisca... it's not what you think it is" sinubukan akong patigilin ni Eion sa pagbabasa.

"Bakit? Natatakot kang malaman ko ang totoo?" napasinghap ang lahat sa tanong ko.

Binalik ko ang phone kay Divinia. "Salamat dito"

Dumiretso ako sa kwarto. Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake.

"Sino ba iyon?" tanong ni Divinia.

Nagdadalawang isip si Eion kung saan ba niya itutuon ang atensyon. Sa akin ba  o kay Divinia! Mas lalo akong nagkaroon ng determinasyon na umalis. Kung mahal niya ako. Di siya magdadalawang isip!

Padabog akong nagmartsa palabas ng kwarto dala ang maleta ko.

"Francisca..." sinundan ako ni Eion. Binuksan ko ang pinto at direstong lumabas. Hindi ko siya nilingon. Hinablot niya ang braso ko pero marahas ko itong binawi.

Narinig ko pa ang bulungan ng mommy ni Divinia at mama ni Eion.

"Son!" sita ng mama ni Eion sa ambang pag-alis para sundan ako. "Just let her be!" Pinigilan si Eion ng mama niya.

"Carmencita, bakit may babae sa condo ni Eion?" naghihisteryang tanong ng mommy ni Divinia sa mama ni Eion.

"Wala iyon. Siguro, fling or something" palusot pa ng mama niya. Ginagago ba niya ang kausap niya? Fling? Ako?

"Ma! Ano ba?" nagpupumiglas pa si Eion. Sumakay ako ng elevator. Uuwi ako kay tita. Whatever the consequences may be, I don't care anymore!

Hindi ko namalayan ang luhang lumandas sa akin. Palabas na ako ng building. Doon ko lang napagtanto ang kawalan ko.

Hawak ang maleta sa kamay ko ay nilakad ko ang distansya. Pinagtitinginan pa ako ng iba. Magulo pa ang buhok ko at mapula ang mga mata galing sa pag-iyak. Hindi na ako tinatablan ng hiya. Diretso lang ang lakad ko.

Maingay pa ang gulong ng maleta ko kaya kinarga ko ito para mas mapadali. Nang di ko na kinaya huminto muna ako sa unang kanto na nadaanan ko at ibinagsak ang maleta. Malayo pa ang sa amin. Hinihingal ako. Pero sisikapin kong makaabot doon. Mabigat ang maleta ko pero walang mas makakabigat pa sa dinadala ng puso ko.

I'm just a woman impregnated by a rapist! Sino ba naman ako para piliin? Someone fresh ang pantasya ng lalaki. But why am I hurting right now? Bakit di ko matanggap na niloko ako? Dahil pinangakuan niya ako ng kasal! Iyon lang 'yun!

Poot at galit ang naramdaman ko. Ang pangaraping maging asawa ay hindi mangyayari sa akin. Siguro sa paulit-ulit kong pakikipagtalo sa kanya, nagsawa na rin siya.

Hindi kailanman pupunta sa akin ang boto ng pamilya ni Eion. Lahat sila, ayaw ako! I hold unto him dahil di niya ako binitawan kailanman pero ngayon... siya na nga ang kusang bumitaw.

I am so desperate to feel belong that I have to keep it up with Eion. Niligawan niya si Divinia! Divinia likes her! Walang problema kung magiging sila kalaunan.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon