Annual Meeting
Sumikat ang pang-umagang araw. Nakasubsob pa rin ako sa abs ni Eion at ayaw ko man lang gumalaw.
Tinitingala ko siya. "Good morning baby" bati niya ng mapansing tinititigan ko siya.
Sumilay ang ngiti sa akin. "Good morning babe" sagot ko. Inilapit niya ang mukha sa akin ngunit bago pa man mangyari iyon ay tumalon ako galing sa pagkakahiga dahil naduduwal ako.
Dali-dali akong pumunta ng sink at sumuka. Hinihingal pa ako. Matagal akong nakatunganga doon. Iniilingan ko ang iniisip. Hindi pwede!
"Anong nangyari Francisca?" rinig kong sigaw ni Eion. Papalapit na siya kaya agad kong fin-lush ang sink para di niya makita. Umiiling-iling ako.
"Wala..." pinunasan ko ang bibig sa malinis ng towel "...naghilamos lang" dagdag ko.
Hindi ko matingnan man lang si Eion.
"Magluluto na ako. Anong gusto mong ulam?" pag-iiba ko ng usapan. Napaisip naman siya.
"Kahit ano basta luto mo" at humahalakhak siya.
Pinagluto ko nga siya ng agahan. Habang abala sa pagluluto ng adobo isang mainit na pares ng kamay ang humagkan sa akin galing sa likod. Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko ang atensyon sa pagluluto. Wala din naman siyang sinabi hanggang sa matapos na nga.
Sabay kaming kumain. Sabado ngayon kaya kailangan kong magmadali para sa training.
Napansin iyon ni Eion. "Baka mabilaukan ka niyan" I raised my hand asking for some water. Binigay niya naman.
"May lakad pala ako ngayon Eion" panimula ko.
"Saan?" tumaas ang kilay niya.
"Doon lang..." di ko manlang masabi kung saan. Pag nalaman niyang sumali ako sa Fraternity, magwawala 'to panigurado.
"Saan nga?" sa mas malamig na tono niyang tanong.
"Uh..." napakamot ako sa batok ko. " May group study kasi kami"
"Hatid na kita kung ganoon"
"Wag na!" agresibo kong pag apila.
He narrowed his brows. I drink another glass of water. Natapos na rin kaming kumain at siya na ang nagpresintang maghugas ng pinggan.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos. I wear leggings and a dark grey t-shirt natatakot na baka na baka kung ano na naman ang training. Naging abala din naman si Eion sa paper works at layouts niya kaya sumang-ayon na siyang umalis ako.
"Yes, yes, Joshua ganoon nga. Oo lahat 'yun gawan mo" may katawag pa siya sa phone niya. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tuluyan nang makalabas.
"Yes. I'm going... Uh no. Hindi ko siya isasama. Yes, family party. Monday, right? Pupunta ako. Sure thing" tumatawa pa siya. Siguro iyon ang party na sinabi ng mama niya. Ipinagkibit ko lang iyon. Kung ayaw niya akong isama edi wag.
Dumating ako sa basement at sinalubong ako ni Chrysler.
"Absent ka kahapon sa klase. Kala ko di ka makakapunta ngayon" pambungad niya. Nginitian ko lang siya dahil dumating na rin ang pinuno namin.
"Thrid floor" nagulat ako sa sinabi niya pero sinundan ko parin.
Iginiya niya ako sa isang dance hall di ako sure basta glass ang pader at kitang-kita ang mga tao sa loob. Doon ko napagtanto na taekwondo training hall iyon. Mga tao sa iba't ibang edad ang napapansin ko.
Namangha ako sa dagsa ng mga tao. May kumakaway kay Jaz na sinusuklian naman niya ng ngiti.
"Sila ba? Parte sila sa Fraternity?" napatanong na ako. Madami kasi talaga, halong babae at lalaki. Bata at matatanda.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...