Thirsty
Matapos ang higit limang minuto na pagpapahinga ay pinagulong ko ulit ang maleta.
Somebody offered help but I refused. "Miss, kami na ang magdala niyan? Asa'n ba ang sa inyo?" pasimpleng tanong ng mga tambay. Umiling lang ako at nilagpasan sila.
"Buntis ba 'yon?" humagalpak sa tawa ang isa.
"May asawa na yata! Ano ba kayo?" pagsita pa ng isa.
Eh ano ngayon kung buntis ako? Ayaw nila? Nakakaturn-off ba pag hindi ka na virgin? Ganoon ba iyon?
Naglakad-lakad lang ako. Mainit na rin ang sikat ng araw, namamawis na ako. Hanggang sa may tumigil na sasakyan para sa akin. "Get in the car!" sigaw ni Chrysler.
Napakurap-kurap ako. Binuksan naman ni Chrysler ang front seat. Hindi na ako nakahindi at sumakay. Sinabi ko sa kanya ang lugar ni tita.
"Salamat Chrysler" ngumiti ako sa kanya. Tinulungan niya pa akong ilabas sa kotse niya ang maleta. Napatitig ako sa maletang iyon. Eion brought this for me. He let me used it nang mapansin di na magkasya pa ang gamit ko sa drawer niya tapos ngayon iiwan ko pala siya gamit rin 'yan.
"It's okay bro. Frat perks!" sabi niya. Sa gitna ng pag-uusap namin ay napansin niya ang medyo lumobo kong tiyan, marahan ko iyong tinakpan gamit ang kamay.
"Dapat di ka na nagbubuhat ng mabigat" puna niya. "Makakatapos ka pa kaya niyan?"
"Huh?" nagmaang-maangan pa ako.
"Wag ka nang magsinungaling, halata namang buntis ka" he chuckled. "It's not like it's wrong"
"Uh... siguro ngayong sem lang tatapusin ko. Sayang din iyong scholarship" hilaw akong tumawa.
Nagtalo pa kami ni Chrysler dahil gusto niyang siya na ang magpasok ng maleta sa loob ng bahay. Syempre di ako sumang-ayon.
"Wag na" tugon ko.
Hindi na siya nagtagal pa at umalis na rin. Kinawayan ko pa siya habang papaalis. Huminga ako ng malalim. Dala-dala ang maleta, buong lakas akong kumatok at pumasok sa bahay.
Tahimik ang sala. Siguro lumabas si tita. Binuhat ko ang maleta papunta sa loob. Di muna ako dumiretso sa kwarto dahil di pa naman ako sure kung tanggap ba ako dito.
Napalinga-linga ako sa paligid. Naramdaman kong bumukas ang pinto ng CR. Napatalon ako sa takot. Walang emosyong tinitigan ako ni tita Krista.
"Bakit bumalik ka pa?" tanong iyon pero di niya ako nilingon. Inabala niya ang sarili sa paghuhugas ng pinggan sa sink.
"Ti-ta..." nauutal kong sabi. "Baka po pwedeng buma-lik? Wa-la kasi akong matulugan" napalunok ako.
Napalingon siya sa banda ko. Sinuyod niya ang kabuuan ko kasama na doon ang medyo namilog kong tiyan. Tinikom ko ang bibig ko. Tinatagan ko ang sarili ko. Sa mga oras na ito, ayaw kong umiyak sa harap niya.
Bumuntong-hininga si Tita Krista. Yumuko lang siya at di na nagsalita pa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bumaba naman galing sa taas si Tito Ricardo. Mas lalo akong nahiya.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Yumuko pa rin ako hanggang sa magsalita si tita.
"Ilagay mo sa taas ang gamit mo..." napalingon ako kay tita. Namilog ang mga mata ko. "Oh ano? Magtititigan lang tayo dito?"
Hinintay ko munang tuluyan na bumaba si tito Ricardo sa hagdan na pumunta sa CR at dinala na paakyat ang maleta.
Pagkatapak ko palang sa taas ay nanumbalik ang magagandang alaala ko dito noong hindi pa nakakulong si papa. Nilagay ko na rin ang damit sa kwarto. Dalawa ang kwarto sa taas.
May sarili akong kwarto kasama ni papa at mama noon. Pero nagkawatak-watak ang pamilya ko. Kahit ako man ang may-ari nito, wala akong alma tuwing nalalasing si tito.
Tuwing nalalasing kasi si tito, dumidiretso siya agad sa kwarto ko kaya napipilitan akong matulog sa sofa. Nasa kabilang kwarto ang kila tita at tito. At ayaw naman ni tita na magkatabi kami sa pagtulog. Kinamumuhian niya ako.
Siguro kailangan ko nang palagyan ng lock itong kwarto ko. Tatapusin ko ang pag-aaral ngayong semestre at maghahanap na rin ng trabaho pagkatapos. Malapit na. Ang pangarap kong maging guro sa accounting ay sa susunod na buhay nalang.
Tinulungan ko si tita sa paghahanda ng hapunan. Ako na ang naglagay ng kubyertos sa lamesa. Wala kaming imikan hanggang sa sinimulan na namin ang pagkain.
Nagpaalam si tito na aalis muna at may kikitain. Si Tita Krista naman ay pinilit na manatili muna. Niligpit ko ang pinagkainan at naghugas na ng pinggan.
Tumikhim si tita, napalingon ako sa kanya. She surveyed me. I've seen her eyes worried and still... disgusted.
"Umalis kalang ng dalawang buwan, nabuntis kana" puna niya at marahang tinitigan ang tiyan ko. Napalunok ako at itinuon na lamang ang atensyon sa paghuhugas.
"Naku! Kung umuwi kalang dito para magdagdag ng lalamunin, mag impake ka na hangga't maaga pa" bulung-bulong niya kahit rinig ko naman.
"Maghahanap naman ako ng trabaho tita... makikituloy lang talaga a-ko" pumiyok ang boses ko sa ambang pag-agos ng luha na pinigilan ko naman.
"Niloko ka ba? Ba't ka umuwi?" natapos na ako sa paghuhugas nang tinanong niya iyon. Kaya naman buong atensyon na ang binigay ko sa kanya. Nakahalukipkip siyang pinaglebel ang tingin namin.
"Wala namang nagloko" kasi totoo naman talaga. Di naman ako niloko. Eion courted another girl that's because he finds me dirty! Ganoon lang iyon! Hindi din naman sa kanya ang batang ito kaya wala namang nagloko.
Umirap lang si tita at nag-ayos na sa sarili. Hindi man lang siya nagpaalam. Padabog lang niyang kinuha ang handbag at umalis na. I was left all alone in the house.
Naglinis ako sa buong bahay. Sinirado ko ang pintuan ng bahay at pumunta na sa taas para i-arrange ang mga damit ko. Kinalat ko ang damit sa sahig. Inilagay sa drawer, isa-isa ang mga iyon. I cried silently clearing everything from my luggage.
I touched my belly. It's getting heavy. Should I get his dad punished or should I just ask for alms? Am I thirsty for justice? Nasabi ni Chrysler na mayaman daw ang mga Tiniente. Naging kuryoso ako sa kanya at si Paulo Tiniente ang naging usapan namin noong byahe namin pauwi dito sa bahay.
Tinanong ko kasi ang pangalan ng mga lider at namangha ako ng kilala niya lahat ng personalidad ng Fraternity. Nasabi pa niya na mabait daw iyong Tiniente. I scoffed. If only he knew.
"Mayaman yang mga Tiniente. Sa katunayan marami ng scholar iyon eh" napapangiti si Chrysler ng dinetalye lahat ng kaugnayan niya sa rapist na iyon.
"Maniniwala ka ba pag sinabi kong rapist iyon?" tumatawa ako ng tinanong iyon.
"Hangal lang ang magsasabi niyan. May girlfriend na iyon eh" napaubo ako sa sagot niya. "Hindi niya naman pinakilala pero parati niyang excuse pag may tumatawag habang nasa meeting" nagkibit-balikat lang din siya. "Malabong maging rapist"
"Oh bakit sa tingin mo nang rape na ba siya?" umiling ako. "Bakit nagka interes ka yata? Baka makapatay na si Eion ha" panunukso ni Chrysler. Tumawa lang ako.
Tinanong din ni Chrysler kung bakit palaboy-laboy ako sa kalsada at parang pinalayas kuno. Di ko siya sinagot at iniba nalang ang usapan.
How can I convince my Frat na rapist nga siya? Nasisiguro kong lahat sila mabait ang tingin sa kanya. Or maybe he was high that time kaya niya nagawa iyon? Can that be an excuse? And he has a girlfriend, who shall it be?
I need money, that's a fact. I need to work, that would take time. I closed my eyes, trying to regain the reason why I am living... I will raise this child not because I need to but because I want to. This child has nothing to do with my past.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...