01

433 19 0
                                    

Francisca

"Tita Krista..." nanghihina kong tinawag ang pangalan ni tita na abala sa pag-aayos ng mga halaman sa bakuran ng bahay.

Bahagya pang nagulat si tita sa disposisyon ko. Nabalot rin ng paninisi ang mukha ni tita.

"Hay naku bata ka!" agad akong dinaluhan ni tita. "Puta ano na naman bang pinaggagawa mo?" pinagalitan pa niya ako sa kabila ng dinanas ko. Umiiyak ako sa harap niya.

"Tumayo ka diyan malandi ka" pinagsalikop niya ang buhok ko papasok sa bahay. Agad niya akong pinapunta sa paliguan upang linisin ang aking sarili.

"Puta kang bata ka. Asa'n ka ba nagsusuot?" talak siya ng talak habang papasok ako sa paliguan.

Binuksan ko ang gripo at binuhusan ang sarili gamit  ang tabo sa gitna ng pagtatatalak ni tita Krista. Ang mga dugo sa braso ko ay kinuskos ko ng mabuti. Mahapdi pa ang pagkakasugat ko sa katawan kaya naging mabagal ang pagbasa ko doon.

"Panty at bra ang suot sa kalsada, nahihibang ka na ba?" pambungad niya ng buksan ko ang pintuan para kunin ang tuwalya na kanya namang binigay para sa akin. Lumabas na ako ng palikuran nang nakatapis ang tuwalya sa katawan.

Alam ko na kahit anong sabihin ko di niya ako pakikinggan. Mahapdi ang nararamdaman ko ngayon. Hinahabol ko ang aking hininga. Naninikip ang aking dibdib sa bigat ng aking dinadala. Gusto ko nalang magpahinga muna sa lahat ng ito.

"Bwisit kang bata ka. Puro ka nalang kalandian!" pagsisigaw niya. Kinimkim ko lahat ng masasakit na salita niya noon pero sumusobra na yata ngayon. Tinignan ko siya pero parang apoy na napaso ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya kaya napayuko ulit ako.

Lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang mahigpit na hinawakan ang braso ko. Napadaing ako sa sakit. "'Wag mo kong tatalikuran Francisca!"

Bwisit na pangalang iyan. Hango sa ama kong peste! Kailan ba matatapos ang paghihirap ko? Kahit isang oras lang, nagmamakaawa ako... bigyan mo ako ng pahinga.

Agad kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. May kung ano sa pagkakahawak niya na bumabalik sa isip ko ang pangyayari kani-kanina lang. Humugot ako ng malakas na hininga para harapin siya.

"Tama na pwede ba?!" sigaw ko kay tita Krista. Nanlaki ang mga mata ni tita Krista sa sinabi ko. Ito ang pinakaunang pagkakataon na sinagot ko siya. "Hindi mo ba tatanungin kung ano man lang ang nangyari sa akin?" dagdag ko at napaiyak na nga.

"Aba, marunong ka nang sumagot ha" agad siyang kumuha ng walis tingting sa malapit at pinagpapalo niya ako doon. Pumikit ako sa sakit. Parang gripong tumutulo ang luha ko. Hindi pa nga naghilom ang sugat ko mula sa pagkakagahasa sa akin dadagdagan na naman niya.

"Bakit ko naman tatanungin ang nangyari sa'yo, aber? Alam ko namang malandi kang talaga. May boyfriend ka pang pabalik-balik dito. Pinagbabawalan nga kita! Kaya di na ako magtataka kung bakit ka ganyan!" litanya niya habang pinagpapapalo ako.

Paulit-ulit niyang pinagpapalo sa akin ang walis tingting na hawak niya. Pumikit ako. Iniinda ang sakit sa pagkakapalo niya.

"Krista, ano ba yan?" agad na dumating si tito Ricardo.

Natahimik naman si tita Krista at tinigil ang pagpalo sa akin. Marahan kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ang dumadaloy na panibagong dugo sa braso at hita ko.

"Maghanda ka nang hapunan!" utos niya pa kay tita Krista.

"Hoy, sige na Francisca!" inutos naman agad sa akin ni tita iyon.

"Sabi ko ikaw Krista!" sigaw agad ni tito.

"Ricardo, ngayon palang nakarating 'yang babaitang  iyan kaya wag na wag mo kong pigilang utusin siya!" agad na sambit ni tita sabay harap kay tito Ricardo.

Tinignan naman ako ni tita Krista. "Magbihis ka na doon nang makapagluto kana!" sabi niya kaya agad naman akong pumunta sa itaas.

Ang lasinggero kong tito at bruha kong tita, ang gandang samahan sa bahay kubo na ito! Kailan ba ako makakatakas sa impyerno?

Nagbihis agad ako. Walang lock sa pinto at ayaw ko namang makita ako ni tito habang naghuhubad. Patapos na ako sa paghuhubad nang marahas na bumukas ang pinto.

Iniluwa nito si tito na paika-ikang pumasok at humilata sa kama. Agad ko namang inayos ang blusa ko at pantalon.

Napapangisi si tito Ricardo habang pinagmamasdan ako. Dinaganan ako ng kaba doon. Lumabas agad ako.

Nagluto ako sa iniutos ni tita Krista. Nakapag saing na si tita kaya ang tinolang isda nalang ang lulutuin ko. Pagkatapos ay si tita na ang nagpakain kay tito Ricardo sa itaas.

"Sa sala kana matulog. Lasing ang tito mo" tugon niya pa. Gusto kong tawanan nalang ang lahat. Akala ko na sa oras na tumuntong ako sa pamamahay na ganito ang postura, magkaroon manlang ng pagbabago ang pakikitungo ni Tita Krista sa akin. Akala ko kahit papaano may mapagsasabihan ako! Pero wala. Binibigo ako ng mundo. Hindi ako makapili ng buhay. Iniluwal lang ako para maghirap ng ganito. Akala ko lang pala...

Bumuntong-hininga ako at pinagkasya ang sarili sa sofa. Hindi manlang nag-atubiling iabot ni tita ang kumot o unan man lang. Humilig ako at hindi mapakali.

Natapos nang kumain sila tito at tita pero ako heto parin at wala sa sariling nagmumukmok. Pumunta sa taas si tita at pinatay na nga ang ilaw. Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong mabuhay ng payapa at malayo sa ganito. Pinapangako ko sa sarili ko na magiging malakas ako.

Napahilamos ako sa sarili. Humikbi ako, iniisip ang nangyari kanina. Wala akong mapagsabihan. Wala akong sumbungan. Umiyak ulit ako. Malalim na hininga ang pinakawalan ko.

Tumayo ako at humanap ng betadine  para gamutin ang sugat ko. Sa bawat dampi ng bulak sa aking sugat, iniisa isa nito ang mapait na karanasan ko. Sa bawat pagtulo ng aking luha, nanunumbalik ang kagustuhan kong tumayo at maging matatag sa kabila nito. Ayaw kong magpatalo! Sa oras na tumuntong ako ka lebel ng mayayaman sa mundo, babalikan ko ang tao sa likod ng masalimuot na pangyayaring naranasan ko sa gabing ito!

"Tama na 'yan Francisca. Huminto kana sa pag-iyak" pagtatahan ko sa sarili ko at sinusuntok-suntok ang ulo ko.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon