07

178 15 0
                                    

Panaginip

"Oy nakabingwit! Mukhang sariwa!"

"Boss, lantakan na natin" humahalakhak ang grupo ng mga lalaki sa madilim na eskinita.

Ambang kakargahin ako ng isa pero nagpupumiglas ako. Ano na naman ba ito?

"Shit ang sarap siguro nito" pinadausdos naman ng isa ang kamay sa braso ko.

Mahigpit na hinawakan ng boss nila ang gitna ko. Napasigaw ako sa sakit.

"Sunod sisigaw ka naman sa sarap" nabalot nang halakhakan ang paligid. Nang makabwelo ay tumakas ako. Tumakbo ng tumakbo.

"Tulong! Tulong!" pagsisigaw ko. Hinablot ng isa ang braso ko at pinagsisipa ko naman ang nasa harapan ko.

"Patikim kahit isa lang na pasok miss" nanindig ang balahibo ko sa salita ng lalaking adik na iyon.

Umiyak ako. Hinahabol pa rin nila.

"Shit mas lalo akong nasasabik sa patakbo-takbo niya!" sabi pa nang isa.

"Asa'n na ba iyon?"

"Boss!" sigaw ng isa. "Nandoon oh" at tinuro ako. Tumalon agad ako sa pinagtaguan kong metal at mabilis na tumakas.

"Tulong! Tulong! Maawa po kayo!" nagsisigaw ako at nakita ang sariling nagising sa isang di pamilyar na kwarto. Umiiyak ako.

"Francisca..." pagtatahan ng isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang lalaking maingat na pinapahid ang alcohol sa sugat ko sa braso. Napatingala ako. Napaupo agad galing sa pagkakatulog.

Parang bumaliktad ang sikmura ko. Naduduwal ako. Agad akong pumunta sa banyo sa malapit at sumuka sa toilet bowl. Pinagsalikop naman ni Eion ang buhok ko na sinundan pala ako. Walang tapos ang pagkakasuka ko.

Pumunta ako sa sink at hinilamos ang mukha. Nanghihina ako.

"Anong nangyari Francisca?" tanong ni Eion nang mahimasmasan ako.

"Eion..."

"Ano bang pinaginipan mo?" tanong niya. Humahagulgol lang ako.

"Nakita kita sa babaan ng dyip natutulog. Matapos niyong mag-away ng tita mo. Dinala na kita sa condo ko" pag-amin niya. Sinuyod ko ang buong lugar.

Umiiyak pa rin ako. "Salamat" sabi ko.

"Ano bang nangyari sa'yo Francisca? Alam kong malupit 'yang tita, alam mo pwede naman siyang patawan ng kaso!" umiigting ang panga niyang binibigkas iyon. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin. Umalis naman siya at kumuha ng tubig.

Tuluyan akong nanghina. Pabalik-balik kong napapaginipan iyong nangyari. Paano kung nabuntis ako?

Pinainom ako ng tubig ni Eion at hinihimas ang likod ko para pakalmahin sa gitna ng pag-iyak. Pinaupo niya ako sa kama.

"Na rape ako..." tuluyan ko nang nilabas lahat ng luha ko.

"Shhh... panaginip lang iyon Francisca" pagtatahan niya.

"Totoo iyon!" pagdepensa ko. Hinarap ko siya. "Parati iyong bumabalik sa panaginip ko!" umiyak ako ng husto.

"Tahan na..."

"Totoo Eion. Noong gabing di mo ako sinupot may nangyari!" sumigaw ako. Natameme naman si Eion at nilakihan ang mga mata.

Hinilamos ko ang mukha ko. "Na rape ako" sinabunot ko pa ang sarili. Hinawakan niya ang mga kamay ko inaalis sa pagsasabunot.

"Wala akong mapagsabihan dahil... putangina walang may pake!" pagpapatuloy ko.

"Bakit di mo sinabi sa akin?" may concern sa tono ng pananalita niya. "Kaya mo ba ako balak hiwalayan?"

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon