Punishment
I feel like a loser. Everything is slowly falling apart. How can I ever swim in this ocean full of misery? Before, I thought I'm already drowning but this time I feel like I was buried in vast ocean without anyone seeing but Eion.
The moment he reached his hand to help me is the same moment I dragged him down with me. It is painful to know that while he's busy helping me out, I slowly ripped him in return.
Nagdaan ang mga araw. Tinatagan ko ang sarili ko. Ano man ang mangyari ako ang dapat na manalo sa kwento ng buhay ko!
"Uy Francisca!" si Chrysler nang mapansin na naman ang pagtunganga ko sa gitna ng klase. Napakurap-kurap ako.
"Ang lalim ng iniisip ah" dagdag niya pa. Nginitian ko siya ng wala sa sarili at sinikap na tapusin ang klase sa pakikinig.
"Chrysler..." linapitan ko siya pagkatapos ng klase. Kausap niya pa ang mga katabi pero di din nagtagal umalis na rin ang kausap niya.
"Why?" napabaling ang atensyon ni Chrys sa akin. Di ako mapakali sa mga naiisip ko.
"Uh... paano ba magparusa sa Frat?" napangiwi ako sa tanong ko. Wrong choice of words!
"Huh?" napatanong siya.
"I mean... halimbawa may kasalanang ginawa ang isang tao sa isang miyembro ng Frat..." lumunok ako. "Mapaparusahan ba iyon?"
"Ano ba 'yan Francisca? Nagka violation ka ba?" nag-aalala siyang nagtanong.
"Hindi! Hindi!" pag depensa. "Halimbawa nga lang"
"Depende sa kasalanan" simple niyang tugon.
"Paano kung rape?" agad kong tanong. Napaubo si Chrysler sa tanong ko.
"Wala namang mare-rape sa Frat, parehong marunong dumepensa lahat"
"Paano nga?" sabi ko. "Kunwari lang... meron"
"Ang inutil naman pala niya" napaawang ang bibig ko sa komento niya. Nakaka offend na siya ha?
"Well..." pagpapatuloy niya. "Pag rape kasi pinapatalsik sa grupo o dinediretso talaga sa presinto. Bakit ba?"
"Kahit mataas ang posisyon niya?" napatanong ulit ako.
"Imposible naman 'yun may code of ethics sila. Pero kung ganoon nga mas mabigat ang parusa" simple niyang tugon at inayos na ang gamit para sa susunod na klase. "Sino ba kasi 'yan?"
"Wala. Napatanong lang... di kasi na discuss sa annual meeting" ngumisi ako.
Napatango-tango ako. Should I tell him who am I referring to? Makakatulong ba siya?
Everybody went out with a smile flashed on their faces when I went out the classroom. Like they never face a problem on their own. They're living normally.
The next class went on and on. We moved to the next room every class.
"Ms. Francisca Arida!" napatalon ako sa sigaw ng propesor.
"Po?" napatanong ako at tumayo na.
"Can you differentiate nominal and real accounts? Cite some examples" nasa gitna pala kamo ng oral recitation.
"I can't Sir..." nauutal kong sagot. Humagalpak sa tawa ang lahat pati ang propesor namin.
"I think I delivered the question wrong..." tumatawa-tawa pa siya.
Napaisip ako. "Uh... sir!" pambawi ko, tumaas ang kilay ng prof namin. "Nominal accounts are temporary accounts like income and expenses?" napatanong pa ako sa sagot ko.
"Are you sure?" sabi ng propesor.
"Uh..." napakamot ako sa batok.
"I'm asking you, are you sure about your answer?!" umaalingawngaw ang boses. Ito ang isa sa mga terror naming prof.
"Ye-yes sir!" natataranta kong tugon.
"Proceed"
"Real accounts on the other hand are permanent accounts found in the balance sheet examples are... uh... asset, liabilities, and equity or capital" sunod-sunod kong sagot.
"Good" pinalakpakan naman ako ng mga kaklase ko.
Bumunot siya sa index card sa susunod na sasagot. Ako naman ay bumalik sa pag-upo. Sa huli, natapos rin ang pang-umagang klase at may usapan kami ni Eion na sumabay ng kumain sa canteen.
Una akong nakapasok sa canteen at nakapag reserve na rin ng upuan para sa aming dalawa.
"Sorry..." nagmamadali namang dumating si Eion, sampung minuto lang ang pagitan. Pinadausdos niya ang kamay sa buhok niya at siya na ang umorder ng kakainin namin.
Napansin kong naiwan niya ang phone niya at may tumatawag doon. Kinuha ko ang phone sa lamesa at binasa kung sino ang tumawag.
Divinia.
Dumating si Eion dala ang tray at napansin ang pagtutok ko sa cellphone niya. Kinuha niya ang phone sa kamay ko at kinansela ang tawag. Namilog ang mga mata ko.
"Baka importante" puna ko. Umiling lang siya.
Tahimik kaming kumain. May napapadaang barkada si Eion at kinakamusta kami.
"Uy Eion!" nag apir pa sila.
"Bati na?" tanong pa ng isa at siniko si Eion.
Kinuha ng kaibigan niyang si Leo ang pancake sa platito niya at walang pasubaling nilamon ito.
Nakikipagbiruan pa ang mag barkada. Si Leo lang ang kilala ko sa tatlong kaibigan ni Eion. Ang iba kasi ay bago niyang kaklase.
Nagpakilala naman sila.
"Hi! I'm Ash" naglahad ng kamay ng isang matangkad na lalaki na may hikaw pa sa tainga. "Pinakagwapong kaibigan ni Jasper Eion" pilyong ngisi ang ibinalandra niya.
Sinapak siya ng isa. "I don't know how to say this but I'm the perfect one of the squad... Kian" pagpapakilala naman ng tisoy na lalaki.
Natatawa ako sa biruan ng barkada. Leo winked at me. "You know me since the begining of time" he chuckled.
"Francisca..." pagpapakilala ko naman.
"Sabihin mo lang pag nagloko 'tong si Eion. Tatapusin ko talaga ang pagkakaibigan namin at liligawan kita" natawa ako sa biro ni Leo.
Nag usap pa ang barkada hanggang sa iniwan na nga kaming dalawa. Natatawa pa rin ako sa pa swabe nilang pagsasalita. Tinignan ko sila hanggang sa mawala sa paningin ko.
Tumikhim si Eion. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Tinaasan ko ang kilay ko ng mapagtanto na wala naman pala siyang sasabihin at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Every saturday ang weekly check up" panimula niya.
"Bakit naman weekly?"
"The doctor should monitor you. Hindi natin alam kaya kailangan natin ng eksperto" sabi niya at uminom ng tubig.
"Pwede naman sigurong monthly. Malaking abala pag weekly"
"Bakit ano bang ibang pinagkakaabalahan mo?" pamimilosopo niya pa. Well, the brute still haven't moved on from our fight. Di ko nalang siya pinatulan.
Natapos ang klase at sabay na rin kami. Sakay sa BMW niya madali lang kaming nakauwi sa condo.
Pinark niya sa tamang pagparkingan ang sasakyan ako naman ay una nang naglakad pagkatapos.
Hinabol niya ako at hinawakan ang bewang habang papalapit kami sa elevator. Maraming mga mata ang nakatingin sa banda namin. May pangiti ngiti pa si Eion sa mga receptionist na nalalagpasan.
Pagkarating namin sa condo ay agad na sumalubong sa kanya ang tawag sa cellphone niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa bewang ko at sinagot ang tawag. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kirot sa biglaan niyang pagbitaw sa paghawak sakin.
"Divinia!" masigla niyang bati.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomansaHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...