Hope's Point of View
Kasalukuyan kong ka text ang girlfriend ng kuya ko.Wala akong alam kung sino ito dahil noong tinanong ko ang kuya kong unggoy kung anong itsura nito ay basta daw "tao".May katawan,kaluluwa at humihinga,Diba ang sarap din hambalusin minsan eh.
Syempre pinaghandaan ko din ang outfit ko.Kung pwede lang mag wedding gown baka naka wedding gown akong pupunta ng concert nila pero syempre baka maging super pretty ako at mag stand out sa crowd kaya wag nalang.
Nandito na ako sa labas ng venue kung saan gaganapin ang concert ng babe ko dala ang army bomb ko at poster sakto namang nag text na ang girlfriend ng kuya ko kung nasaan ito.
Agad akong nagpunta kung nasaan ito at ipinalibot ang tingin ko sa kabuoan ng lugar para hanapin kung nasaan siya.
Akmang maglalakad sana ako para hanapin ito nang may biglang kumalabit saakin mula sa likuran.
"Hi,Ikaw ba yung kapatid ni Clev?"
"Yepp-------"naputol ang pagsagot ko sakaniya nang makita ko kung sino ito.
"Mica?!"gulat kong tanong rito.
Isa ang bestfriend ko sa mga girlfriend ng kuya ko?!
Jusmeyo!!!
Hindi nito alam na kapatid ko ang unggoy na yon dahil wala akong balak na ipagkalat na kuya ko ang sinto sinto na yon.
"Hope?!"
"Ikaw ang girlfriend ng kuya ko?!"
Gulat kaming nagkatinginan ni Mica.Jusmeyo!Kelan pa?
"Si Clev kuya mo?!"
Halos mabaliw ako dahil hindi ko inakalang ang babaeng ito pala ang nagbigay ng VIP ticket ng concert ng bts sa kuya ko.
~
"Bakit mo naman jinowa yung unggoy na yon bes?"hindi
makapaniwalang tanong ko kay Mica habang papasok kami ng venue kung saan gaganapin ang concert ng bts.
"Bes,Alam mo ba yung love at first sight?Naganun ako sa kuya mo.Hihi"Wala sa sariling sagot niya.Jusko kung nakikita niyo lang siya ngayon,May pa kilig kilig pa itong naglalakad habang namumula ang pisngi.
"Seryoso ka diyan?Baka na gayuma ka lang o kaya naman na hypnotize"Alalang tanong ko sakaniya.Hindi talaga ako makapaniwala mga bes,Yung unggoy na yon?Gusto ng bff ko?!
"Hindi bes,Noong una ko palang nakita si Clev tumibok agad puso ko."
"Hala shunga!Talaga namang tumitibok puso mo bes."basag ko ng trip niya.Lakas rin ng tama netong isang to.Hindi ko kinaya maygad!
Imbes na magseryoso ito ay lalo lang lumapad ang ngiti sa kaniyang labi.
Confirm!Wala na hulog na hulog na tala ang isang ito sa kuya kong takas zoo.
"Hahaha baliw ka talaga pero alam mo ba yung linyang butterflies in my stomach? Naramdaman ko yun noong na love at first sight ako sa kuya mo."
Halos masamid na ako sa sarili kong laway dahil sa mga pinagsasabi niya.Ganito ba feeling ng ma inlove?Jusko masyadong malala."Tss,Hindi totoo yon.Kaka telanovela mo yan eh."Pambabasag ko na naman ng trip niya.
"Haha halika na, Bitterness mo lang yan bes."
Hala iba din...Ako bitter?Seryoso ba yan?
YOU ARE READING
Capture His Attention
Hayran KurguCHA Book 1 BTS SERIES:Jung Hoseok//Capture His Attention "Loving someone who doesn't love you back is like hugging a cactus. The tighter you hold on, the more it hurts." I'm just one of his million fans but i can't stop myself from loving him and i...
