Chapter 58

208 25 11
                                        


Hope's Point Of View

A year later~

Sometimes you must hurt in order to know, fall in order to grow, lose in order to gain, because life's greatest lessons are learnt through pain just find a place inside where there's joy, and let let that joy burn out the pain.

Naging payapa naman ang pananatili ko dito sa California sa maging isang taon na nakalipas.

Minsan may mga pagkakataon parin na bigla siyang papasok sa isip ko pero imbes na iiyak ko ay idinadaan ko nalang sa pagngiti dahil ngayon ay satingin ko tuluyan ko na nga siyang napalaya.Madalas may mga simpleng bagay talaga na magpapaalala ng nakaraan at hindi mo maiwasang maisip minsan pero ipinagsasawalang bahala ko na lang dahil alam kong nakalipas na iyon at ang nakalipas ay dapat hindi na muling binabalikan at inuungkat pa.

Have the guts to go beyond the pain.If you can sit with your pain, listen to your pain and respect your pain, in time you will move through your pain.

May mga bagay bagay talaga sa mundo na kahit gaano natin kagusto kung hindi inilaan para saatin ay hindi talaga mapapasaatin kahit ano pang pilit natin.

Mahigit ilang linggo palang ako dito noon ay bigla nalang naming nabalitaan na nagpakamatay na pala ang asawa ni papa kaya naging madali nalang ang pagusad ng kaso.

Sa tulong ng mga ebidensiyang nakuha at sa mga tistigo ay sawakas nakuha narin ni papa ang hustisya na matagal na dapat niyang nakamit kung hindi lang tumakbo at nagtago ang asawa niya.

Isang araw pagkatapos kong maipanalo ang kaso ay napagpasyahan ko nang sabihin kay mama ang lahat.Noong una ay naging mahirap din ang lahat para sa kaniya pero nagpapasalamat ako dahil ngayon ay maayos na ang lahat.

Minsan nang dumalaw sila kuya sa kapatid naming nasa New Zealand at inalok pa mismo ni mama ang kapatid namin na doon nalang siya sa Pilipinas manirahan kaysa naman nagiisa siya doon pero sa kung ano mang kadahilanan ay tumanggi ito at mas piniling mapag isa.

Madalas tumatawag din ang dati kong boss nangungulit na bumalik na ako doon dahil marami daw na mga kliyente namin ang naghahanap saakin at gustong ako ang humawak ng kaso nila pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung dapat pa ba akong bumalik.

Nanatili parin ako ngayon sa branch ng law firm namin dito sa California nagtratrabaho.

Minsan naiisip ko na rin na bitawan na ang lahat at piliin nalang na manatili kila mama tutal tapos na ang kaso ni papa pero may kung anong bagay ang pilit na pumipigil saakin.

I was in the middle of writing the final report for my client's case when someone knocked my office door.

"Yes?"nanatiling nakatuon ang pansin ko sa ginagawa ko.

"Attorney,Someone wants to talk to you."

"Come in."simpleng sagot ko.

"Yes attorney."agad na sagot ng secretary ko.

Hindi na ako nagsalita pa at itinuloy ang pagaasikaso ng trabaho ko.

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay napatigil ako sa pagsusulat at pagangat ko ng tingin ko ay bumungad saakin ang nakakatandang kapatid ni Hoseok.

W-What is she doing here?

Hindi ko pinahalata ang gulat at kabang nararamdaman ko at seryosong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko at hinarap siya.

"Attorney Y/N right?"

Tumango ako."Yes i am."

Ngumiti ito agad."Hi, I'm Jung Dawon.Nice to finally meet you"

Capture His AttentionWhere stories live. Discover now