Hope's Point Of ViewTime flies so fast,It seems like every moment we had was just yesterday.
There is nothing that can take the pain away but eventually you will find a way to live with it. Time doesn’t heal emotional pain, you need to learn how to let go so don’t try to understand everything, because sometimes it isn’t meant to be understood, but to be accepted and i think maybe part of loving is learning how to let go of that person.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko parin magawa gawang umuwi dahil bigla nalang kasing nawala si J-hope kaninang umaga pagkatapos niyang ibalik saakin ang mga libro at mga planner ko na ipinahiram ko sakaniya sa tatlong buwan na nakalipas.
Sinubukan kong tawagan ang manager niya sa pagbabakasakaling alam nila kung nasaan ito dahil last day na niya ngayon sa law firm pero hindi na siya pumasok kundi saglit lang siya nagpakita saakin at pagtapos non ay umalis na siya.Hindi ko man lang siya nakausap at kahit tawagan ko ito kanina ay hindi rin niya sinasagot.
Four o clock na ng hapon at halos lahat na ng tao sa law firm at ang mga kapwa ko nagtratrabaho dito ay nagsiuwian na bukod saakin na nakatulala parin habang nakaupo sa swivel chair ko.
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na.Nakalagay na lahat sa mga karton ang mga gamit ko na naiwan dito at wala nang kalaman laman ang opisina ko kundi ang mga walang lamang bookshelves,Ang mga maliliit na drawers,Mga nakaligpit na na mga nakuha kong awards at kung ano ano pa na nakuha ko sa mahigit dalawang taon kong pagtratrabaho dito.
Natabunan narin ng mga puting tela ang mga upuan at mga lamesa na noon ay ginagamit ko.
Wala naring laman ang maliit na opisina ni J-hope.Kahit ang maliit nitong lamesa doon at visitor's chairs ay wala na.Pati ang mga picture frames na nakasabit doon at naka display ay wala na rin.
Malinis na ang lahat at tanging mga ala ala nalang ang nakikita ko.
I will really miss this place...
I was about to leave my office when i saw something inside J-hope's office.
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ko sa door knob at naglakad pabalik doon.
Pagbukas ko ng opisina niya ay agad na nahagip ng mata ko ang isang medyo malaking frame na picture naming dalawa.
It was taken when we first went to his restaurant.
Mga panahong akala ko matatabunan ko ng galit at pagsusungit ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Malungkot akong napangiti habang nakatitig sa picture naming iyon.
Long after I have given up, my heart still searches for you without my permission.
~
Nakapatay na ang ibang mga ilaw sa buong building at pagkababa ko ng lobby ay wala nang tao bukod sa mga security guard sa labas ng law firm.
Hindi ko na dinala ang sasakyan ko kaya dumeretso na sa labas ng law firm para doon nalang mag abang taxi.
Kahit makapal na ang suot kong coat ay ramdam ko parin ang lamig ng hangin kaya habang naglalakad ako ay isinuot ko na ang kulay abo kong scarf sakto namang biglang nag ring ang cellphone ko.
Annoying Hoseok🙄 Calling~
Agad kong sinagot ang tawag nang mabasa ko kung sino iyon.
"Need anything?"
[Hey,Can you go here at Gangneung,Jumunjin Beach to be exact]
Kumunot ang noo ko.[Wae?]
YOU ARE READING
Capture His Attention
FanfictionCHA Book 1 BTS SERIES:Jung Hoseok//Capture His Attention "Loving someone who doesn't love you back is like hugging a cactus. The tighter you hold on, the more it hurts." I'm just one of his million fans but i can't stop myself from loving him and i...