Chapter 22

216 17 17
                                        

               
                    
Hope's Point of View

Sometimes, we don't notice that love is slowly blinding us. We aren't able to see our worth and value.After two months of being trapped in sadness i finally set him free.

Hindi naging madali ang lahat,May mga araw na minsan gusto ko nalang sumuko at mawala ng parang bula sa mundo pero sa bawat puntong iyon ay palagi kong naiisip na inaasahan ako ng pamilya ko kaya kahit mahirap ay pinilit kong tanggapin at alisin na siya ng habang buhay sa puso at isipan ko.

Nagaral ako ng mabuti kasabay ng pagtratrabaho para matustusan ang pangangailangan ng pamilya ko at hanggang sa pumasa ako sa licensure exam.

"Sigurado ka bang kaya mo anak?"ulit na tanong ni mama saakin.

Nandito na kami ngayon sa airport dahil tinaggap na akong pumalit sa naiwang posisyon ni papa sa   law firm na pinagtratrabahuhan nito.

"Opo ma,Basta kuya ikaw muna ang bahala kila mama ha?"

Nag thumbs up si Kuya bilang sagot.Silang dalawa lang ni mama ang naghatid saakin dahil nasa school pa ang pamangkin ko kasama si Mica.

"Palagi kang tatawag kapag may oras ka anak ha?"

"Opo ma,Twenty six na po ako kaya ko na po sarili ko."

"Sige na bunso baka ma late ka pa sa flight mo."

Lumapit saakin si mama."Anak,Huwag mo itong kalimutan."isinuot niya saakin ang kwintas na nakita ko noon sa bag ko noong galing ako sa fan signing event.

"A-Akala ko nawala na ito ma?"

"Nahanap ko anak.Sige na umalis kana,magingat ka bunso ha?"

Tumango ako.

"Bye.bunso."

Naglakad na ako palayo at kumaway akong muli sakanila sa huling pagkakataon.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa loob ng bag ko.

Tumigil ako saglit at kinuha ang cellphone sa bag.

Mica Calling..............

"Mica?"

[Bes,Sorry ha hindi na kami naka abot ng pamangkin mo.]

Graduate na rin si Mica sa tulong narin ng mga magulang nito at si kuya naman ay gragraduate narin next year sa kurso niyang Medicine."Okay lang,Uso naman video call diba?"

[Haha oo nga naman.Mag ingat ka bes.]

"Yeah,Thanks."

[Wag masyadong mag focus sa work baka malay mo doon mo makilala ang "The One" mo.]

"Tss,Hindi paghahanap ng lovelife ang ipupunta ko doon."

[Ay sus baka hindi ka parin nakakamove on kay------]

Hindi ko na hinayaan na ituloy pa nito ang sasabihin niya."Okay na ako.Sige na baka ma late pa ako sa fight ko dahil sayo."

[Sus,Sige na.Ingat ka bes.Sending loves and kisses.]

"Solohin mo yang love and kisses mong yan."

[Ito naman ang bitter bitter.Ampalaya ka ba?]

"Heh!"pinatayan ko na ito ng tawag.

Pagkapasok ko ng airport ay agad kong hinanap ang FIDS para malaman ang flight status ko.

Thailand

Malaysia

Vietnam

Cambodia

South Korea...........................Now Boarding

                 
                    
   End Of Chapter

A/N

A flight information display system (FIDS) is a computer system used in airports to display flight information to passengers, in which a computer system controls mechanical or electronic display boards or TV screens in order to display arriving and departing flight information in real-time.

Chapter 23 will be published as soon as possible.

Capture His AttentionWhere stories live. Discover now