Hope's Point of View
Kauuwi ko lang dahil late na natapos ang last subject ko at akmang aakyat na sana ako nang hagdan papunta nang kwarto ko nang marinig kong binanggit ang BTS sa news kaya dali dali akong nagpunta sa sala namin at pinalakasan ang volume ng tv.
"Oh bakit ka nanaman nandito panget?"rinig kong tanong nang kuya kong kinulang sa aruga nang makita niya ako.
Nang makita nito ang dahilan kung bakit ako nagmamadaling umupo sa sofa ay hinarangan nito ang tv.
Agad akong lumapit at pilit na itinutulak ito nang marinig ko na BTS na ang sinasabi ng news.
"Tumabi ka nga!!!!"
"Yung asawa ko!!!"
Kahit alam kong masyadong malakas ang unggoy kong kapatid ay buong lakas ko pa rin siyang ipinagtulakan.
"Unggoy ka lumayas ka!!!!"
"Babeeeee koooo!"
"Layas!!!"
Halos malaglag ang panga ko sa sahig nang marinig ko ang sinabi sa balita.
"Ang babe ko magcoconcert dito?!"hindi makapaniwalang hiyaw ko at halos halikan ko na at yakapin ang tv namin sa sobrang tuwa.
"Juskooooooo!!"
"Wahhhhhhhh!"
"Babe koooo here i comeeee!"sigaw ko at nagmamadaling umakyat papuntang kwarto ko.
"Panget,Inform lang kita.Hindi mo siya babe!"
"Imagine pa more panget!"
"#Wag assuming.HAHAHA!"Sigaw nang kapatid ko mula sa sala pero ayokong masira ang mood ko nang isang unggoy na katulad ng kuya ko.
Masyado akong masaya at maganda para patulan nanaman ang kinulang sa aruga kong kapatid.
Pagpasensiyahan nalang natin dahil natanggalan na ata ng turnilyo ang utak non kaya nagkakaganyan na siya.
#Mabait ako SLIGHT
~
Sabado ngayon at wala akong pasok kaya naman kinalkal ko lahat ng piggy bank ko para bilangin ang mga naipon ko pangbili ng ticket ng upcoming concert ng babe ko.
Napahampas nalang ako sa noo ko nang makita kong magaan na ang piggy bank ko.
"Bakit ba kasi ang takaw mo self?"tanong ko sa sarili ko at iiling iling na sinira ang piggybank.
~
Wala pa sa kalahati ng presyo ng ticket ang ipon ko kaya sising sisi ako kung bakit ako kain ng
kain.
Nakakahiya rin naman kung hihingi pa ako ng pera sa mga magulang ko para pangbili ng concert ticket.
Nandito ako ngayon sa sala nagsusulat ng mga pwedeng paraan para mag kapera pangbili ng ticket.
"Mag benta kidney?"basa ko sa unang paraan na nakasulat sa notebook ko.
Jusko naman,May iba pa naman sigurong paraan kaya iiling iling ko itong binura sa listahan.
"Mag benta ng gamit?"basa ko sa pangalawang nakasulat sa listahan ko.
Masyado kong mahal ang mga gamit ko kaya wag yan.Eraseeeeee
"Maglaba?"
"Mag hanap sugar daddy?"jusko lord,NO WAY.
"Magbenta laman loob?"hala jusko wag na.
"Mag apply bilang katulong?"
"Manghingi sa mga ninang ko?"jusko parang ang tanda ko naman na yata para dito.Isa pa,Siguradong nagka amnesia na mga ninang ko at nakalimutan na nilang inaanak nila ako.
"Mag advance ng allowance?"Pwede ba yun?
"Mag part time job?"Pwede kaso walang time.Hayyssst,Erase na naman.
"Mag gawa ng assignment ni classmate?"
"Magkaroling?"
"Utuhin ang kuya kong kinulang sa aruga?"basa ko sa huling nakasulat.
Nakooo ang brainy mo self,Pwede yan.
Nagpatuloy ang pagsusulat ko ng mga pwedeng paraan para magkapera hanggang sa hindi ko namalayang lumipas na pala ang oras.
~
Nasira agad mood ko nang makita ko ang kuya kong unggoy na pumasok ng sala.Hindi ko alam pero tinotopak nanaman ata ito dahil napansin kong naglalakad ito papalapit saakin.
Kalma lang self,Pag ako pinagtripan uli niyan ibabalik ko na talaga yan ng zoo.
Nagulat ako nang may hinagis itong papel na kung ano kaya agad ko itong pinulot at halos lumuwa ang mata ko nang mabasa ko kung ano yun.
VIP concert ticket ng BTS.Juskooooo lord!
Nanaginip ba ako?
Totoo ba ito?
Nakailang kurap pa ako bago ako bumalik sa sarili ko.
"Binili mo para sakin?"hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya habang pinakatitigan ang ticket.
"Assuming ka panget.Yung girlfriend ko binigay niya sakin yan kaso ayoko ng mga ganyan ganyan kaya samahan mo nalang."rinig kong sabi nito habang naglilipat ng channel ng tv.
"Seryoso???!!!Akin na???"
Bored siyang tumingin saakin."Ayaw mo?"
Napakamot nalang ako ng ulo."Sabi ko nga,Alin nga pala sa mga girlfriend mo kuya yung nagbigay?"takhang tanong ko dito.Jusko,hindi ko na mabilang kung ilang girlfriend niyan kaya mabuti nang makasigurado.
"Ewan ko sayo.Basta samahan mo,Pag tinanong ka kung asan ako sabihin mo may sakit."bored na sabi nito.Aba jusko keri ko na yan basta makita ko ng personal ang babe ko.
"Sandali,Bago mo kunin yan may isang kondisyon pa ako"sabi niya saakin kaya agad akong humarap dito.Basta para sa ticket keri bells ko kahit ano pa yan.
"Sureee"masigla kong sagot sakaniya.
"Sabihin mo muna panget,Salamat sayo pinaka gwapo kong kuya."Nagawa pa talaga niyang hawiin ang buhok niya na parang modelo sabay awra.
Ano ako hilo?Para magpauto?
Dahil hindi naman ako uto uto ay agad kong kinuha lahat ng gamit ko pati narin ang ticket at nag mamadaling pumunta sa kwarto ko.
"Hoy pangettttttt!!"rinig kong sigaw ng kuya kong unggoy pero hindi ako nagpatinag at agad nilock ang kwarto ko.
"Babe ko here i comeeeeeeee!!"
End Of Chapter
YOU ARE READING
Capture His Attention
FanfictionCHA Book 1 BTS SERIES:Jung Hoseok//Capture His Attention "Loving someone who doesn't love you back is like hugging a cactus. The tighter you hold on, the more it hurts." I'm just one of his million fans but i can't stop myself from loving him and i...
