Jether POV
Ito na naman po ang babeng toh. Gusto ba niya maging instructor? Bakit nasa teachers desk na naman siya.
"Miss Vergara, pwedeng humanap ka nalang ng ibang mauupuan?" sabi ko sa kaniya.
"Ikaw yung nakaisip bakit hindi mo ginawa?" sabi naman niya. Nagsisimula na naman siya.
"Segi kung ayaw mong umalis diyan, ikaw nalang ang magturo." sabi ko sa kaniya at umupo ako sa vacant seat. "Everyone makinig tayo sa kaniya." sabi ko.
Naghihintay ang buong klase sa discussion ni Warts, pero nakalipas na ang 5 minutes at hindi parin ito nagdi-discuss. Nakapangalumbaba lamang siya. Tumayo naman ako at nilapitan siya.
"Ano Ms. Vergara, hindi kapa ba magsisimula?" tanong ko sa kaniya.
"Ng ano?" tanong rin niya sakin.
"Mag discuss ng topic ngayong araw." sabi ko at nag cross arms sa harapan niya. Tumayo naman siya at ginaya ako.
"Bakit Mr. Fournax, sino ba ang substitute teacher sating dalawa, ako ba? Sino ba sa atin ang sino-swelduhan ako ba o ikaw? Ha?" aba't walang kwenta talaga siya.
"Edi umalis ka diyan sa upuan na dapat sakin." naiinis na ako sa babaeng to.
"May pangalan moba to? At tsaka kapag ba nagtuturo ka uupo ka?" sabat niya ulit.
Napabagsak nalang ako ng librong hawak ko sa mesa sa harapan niya. Parang sasabog ang utak ko sa babaeng ito. Hindi ko nalang siya pinansin at nagdiscuss nalang.
Lumipas ang dalawang oras ng pagdi-discuss ko at nasa time na ako ng evaluation kung may natutunan ba sila o wala sa tinuro ko.
Marami naman ang nakasagot sa mga tanong ko ibig sabihin may natutunan sila. Marami rin ang nagtataas ng kamay. Naintriga naman ako kay Warts at gusto ko malaman kung may natutunan ba siya o wala.
"Miss Vergara, can you give me the output of this program?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit moko tinawag? Nagtaas ba ako ng kamay?" yan ang sagot niya at nagsisisi na ako kung bakit ko siya tinawag.
"Gusto ko lang malaman kung may natutunan kaba o wala." sabi ko sa kaniya.
"Wag kang mag-alala, Mr. Fournax. Sasabihin ko sayo kapag may natutunan na ako at kung gusto mo, tatayo na ako kaagad kahit hindi mo pa ako tinatawag. Maliwanag bayun?" mahabang lintya niya.
Napasabunot naman ako sa buhok ko. Nai-stress ako sa kaniya.
"Ok Class, you may now go. Class dismiss." sabi ko sa klase ko. "Ms. Vergara, paiwan ka muna." sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...