CHAPTER 17

463 31 0
                                    

Darlene POV

Sino ba yang Warts nayan? Siya ba yung sumampal sakin sa court? Huh! Ang lakas ng loob niyang agawin sakin si Jether. Ako lang dapat ang mahalin ni Jether. Ako lang at hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.

Paggising ko ay pinuntahan ko kaagad si Jether sa kabilang kwarto pero wala na siya. Naiinis ako kasi parang hindi na siya yung dating Jether na Mahal ko at Mahal ako.

"Hindi ako makakapayag, akin lang siya. Ibabalik ko ang dating nararamdaman niya sakin." sabi ko sa sarili ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Pupuntahan ko ang Warts nayun, sasabihin ko sa kaniya na layuan niya si Jether. Kahit na magmakaawa ako sa kaniya gagawin ko.

*After an hour*

Nandito na ako sa Empire State University na school ni Jether. Hindi kopa nakikita si Jether, naiinis man ako sa kaniya pero ayaw ko siyang layuan baka tuluyan siyang mawala.

"Halika manood tayo ng swimming!" G1

"Tingnan natin ang pagkatalo ng Warts nayun." G2

Bigla akong napalingon sa mga babaeng nag-uusap at narinig ko ang pangalan ng babaeng yun.

Swimmer din pala ang pinili ni Jether ipalit sakin, ibig sabihin kagaya ko ang hinahanap niya. Well, pasensiya na si Warts dahil nandito na ako.

Agad akong pumunta sa may swimming pool, hinanap ko kung nandoon ba si Warts. Hindi nga ako nabigo dahil nakita ko siya na papunta sa may locker room, siguro magbibihis siya kaya agad ko siyang sinundan.

"Ikaw ba si, Warts?" pambungad na tanong ko.

Napatingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay?! Huh. Ganito ba ang pinalit sakin ni Jether?!.

"Ako nga bakit?" sagot niya sakin. Attitude siya ha. Pero hindi uubra sakin yan.

"Layuan mo si Jether." seryoso at deriktang sabi ko sa kaniya.

Napa-smirk naman siya sa sinabi ko. At parang natatawa pa.

"Bakit? Kaano-ano kaba niya? At sino ka para utusan ako?" Aba! Palaban ang babaeng to.

"G-Girlfriend niya ako. Kaya layuan mo siya." sabi ko.

"Correction. Ex- girlfriend. Kaya wala kang karapatang utusan akong layuan siya." sabi niya. Pinag-duldulan pa niya na EX ako.

"Hoy! Kung sa inaakala mong maaagaw mo si Jether sakin, nagkakamali ka. Hindi kita hahayaang agawin ang naunang naging akin." sabi ko sa kaniya. Tama ako ang nauna.

Nakita kong tinaasan lang niya ako ng kilay na parang walang pakialam. Tapos na siyang magbihis at aalis na siya. Lalagpasan niya sana ako pero hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya.

"Gagawin ko ang lahat, bumalik lang siya sakin. Kahit na magmakaawa pa ako sa harapan niya." desperada man pero wala akong pakialam. Sobrang Mahal ko si Jether kaya hindi ko siya kayang pakawalan.

"What a desperate, bitch!" sabi niya. Ako, bitch?!

Marahas niyang tinanggal ang braso niya sa pagkakahawak ko at naglakad na ulit paalis.

"Hoy, Warts. Hindi pa tayo tapos. Pagsisisihan mo kapag tinangka mong agawin ang akin. " sigaw ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap ulit sakin.

"Bring it on, Darlene." sabi niya at tumalikod na pero humarap ulit.

"At ito ang tandaan mo, Darlene. Maaaring bumalik sayo si Jether pero dahil yun sa awa. At ang awa ay magkaiba sa tinatawag na pagmamahal." Aba! Awa? Dahil sa awa?!.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon