Third Person POV
Kinaumagahan, pagkatapos nilang mag-agahan ay nagpunta na sila sa kani-kanilang pwesto ng pagpa-practisan.
Habang nag-iinsayo ang nasa swimming team, si Karell naman ay nanonood lang sa tabing dagat.
Gusto man niyang lumangoy pero may kaba siyang nararamdaman na baka hindi na siya makaahon kapag sinumpong siya.
Samantalang si Jether naman ay seryoso sa pag-iinsayo na parang ayaw niyang magpapigil at parang may pinaghahandaan.
Napuna naman ito ng kaniyang mga kaibigan, kaya ng tumawag ng time out ay hindi na nila napigilang magtanong.
"Hoy, Jet. Bakit parang nakakondisyon ka ngayon." sabi ni Gendel pagkaupo ni Jether.
"Syempre kailangan nating manalo sa laban nato." sabi naman ni Jether.
"Aba ngayon kalang yata naging ganyan. Noon naman wala kang pakialam kung manalo o matalo tayo." sabi ni Chross.
"At tsaka hindi mo naman kailangang gawin yan dahil alam naman nating mananalo tayo sa larong ito. Team Captain ka kaya." tinapik-tapik pa ni Gendel ang balikat ni Jether.
Medyo napatawa naman si Jether sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya. At sinabi niya sa mga ito ang deal nila ni Karell na dahilan ng pagpupursigi niya sa pag-insayo.
"Kaya naman pala kasi may price." sabi ni Chross.
"Sisiw na sisiw naman pala ang deal niyo, eh." sabi naman ni Gendel.
"Pero diba pinupulikat siya kapag lumalangoy, paano siya mananalo kapag ganun?" tanong ni Chross.
"Bahala na siya sa diskarte niya." sagot ni Jether.
"Pero kahit papano may konting kabaitan rin pala si Warts." biglang sabi ni Chross na ikinatingin ng dalawa.
"Hoy Chross, sakin si Warts ha. Sakin lang siya!" possessive na sabi ni Jether.
" Owww. Relax kalang bro. Hindi ko naman siya aagawin, eh. Kasi kagabi ko lang siya nakausap ng maayos." paliwanag ni Chross.
At kumunot ang noo ng dalawa. Kaya kinuwento ni Chross ang naging pag-uusap nila ni Karell.
>FLASHBACK<
Pagkaalis ni Jether ay naiwang mag-isa si Warts at maya-maya ay lumapit naman si Chross na hinahanap naman si Jether.
"Ahm. Warts, nakita moba si Jether?" tanong ni Chross.
Tiningnan naman siya nito at aalis na sana dahil alam niyang mamimilosopo na naman ito, pero hindi niya inasahan na magiging malumanay ito.
"Kakaalis lang niya, babalik na raw siya sa kwarto niyo." maayos niyang pagkakasabi. Kaya imbis na umalis ay umupo muna siya sa tabi ni Warts.
"Oh bakit hindi kapa umalis kagaya ng kaibigan mo?" sabi ni Karell ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Ahm. Wala lang. Nag-usap ba kayo? M-may inamin ba siya sayo?" bigla namang napatingin sa kaniya si Warts.
"Umalis nga siya diba? At oo nag-usap kami, bakit? At anong aaminin niya sakin?" sabi naman ni Warts.
"Yung....Basta...wag na nga...." biglang pag-aayaw ni Chross. At bigla namang may naisip si Karell.
"Ahm. Wilford. Matagal na ba kayong magkakilala ni Jether?" biglang sabi ni Karell.
"Oo. Bakit?" sabi naman ni Chross.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...