Clarrise POV (Jether's Mother)
Hi readers I am Clarrise Fournax ang magandang Mommy ni Jether at Chester.
By the way, nandito kami ngayon sa sala ni Chester at kausap namin si Jether sa kabilang linya. Isang buwan nalang matatapos na ang kontrata niya. At may ipinagbibilin siya sa amin na wag raw sasabihin kay Karell.
"Mom, wag niyong sasabihin ang Plano ko kay Warts ah. Kay Tito Larry ok lang na sabihin niyo para makapag ready rin siya." masayang balita ng anak ko.
"Sigurado kana ba diyan sa Plano mo, Jether? Mukhang mauunahan mopa ako ah" sabi ni Chester.
"Ang hina mo kasi Kuya. Bakit hindi karin nag propose diyan sa shota mo ngayon?" sabi ni Jether kay Chester.
"Hindi pa pwede eh. Kailangan pa niyang mag take ng exam para maging licence doctor siya." sabi ni Chester.
Ang girlfriend niya kasi ay isang doctor rin. Pero kailangan pa nitong mag-exam para maging licence doctor na siya.
"Tama na nga yan. Jether, yun lang ba ang gagawin ko?" tanong ko ulit sa kaniya.
Sabi niya sakin, gusto raw niyang mag-propose kay Karell. At sa gymnasium ng school niya gustong mangyari dahil doon raw niya laging nakikita noon si Karell at gusto niyang maraming makasaksi sa gagawin niya.
Bilin pa niya sakin na kailangan ay maging maganda ang gymnasium at mapuno ng mga ilaw ang paligid. Hindi ko alam na ganun pala ka romantic ang anak ko.
"Yes, Mom. Maraming salamat po sa support. Makakabawi rin ako sa inyo, Mom." sabi ni Jether.
"Wag mong alalahanin yun, Anak. Ang mahalaga ay masaya ka," sabi ko.
At humaba pa ang naging usapan namin pero natigil ng may nag doorbell.
"Hi, Tita Clarisse." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Agad ko namang pinatay ang tawag.
"Karell, bakit ka naparito?" tanong ko sa kaniya.
"Tita, hindi poba tumatawag sa inyo si Jether?" malungkot na sabi niya.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi po isang buwan nalang po at uuwi na siya pero tsaka naman po dumadalang ang pagtawag niya sakin. Parang may tinatago siya sakin, Tita. Isa sa isang linggo nalang kung tumawag siya sakin." sabi niya at parang naiiyak na.
"Baka naman busy lang siya, Karell kasi malapit na siyang umuwi at marami siyang inaasikaso." sabi ni Chester sa kaniya.
"Oo nga naman, Karell. Wag ka ng mag-alala kay Jether. Sigurado akong may dahilan yun." sabi ko naman sa kaniya.
"Pero bakit ganun, Tita? Noon naman kahit gaano pa siya kabusy palagi parin siyang tumatawag sakin. Palagi siyang may time sakin. Tapos ngayon kung kelan malapit na siyang umuwi tsaka naman siya hindi nagpaparamdam." sabi ni Karell at umiyak na siya talaga.
"Shhh. Tahan na, Iha." pagpapatahan ko sa kaniya.
Maya-maya pa ay tumahan na rin siya. Nagkwentuhan lang kami, at siya naman ay nangamusta lang sa Amin. Pagkatapos ay nagpaalam na siya kasi uuwi na raw siya.
Hay naku! Mga batang yun talaga. Si Jether naman may pa surprise pang nalalaman. Pero sana nga maging successful ang balak niyang pag-propose at masaya ako para sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
THIRD PERSON POV
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...