CHAPTERS 16

479 28 0
                                    

Karell POV

After leaving the court, napadpad ako sa malapit na park ng school. Umupo muna ako dito at dinama ang hangin habang naka pikit. Hindi ko alam kong ano ang mga pumapasok sa isip ko.

"Ok kalang ba?"

Bigla akong napamulat sa lalaking tumabi sakin. I didn't even feel his presence, maybe because my mind is occupied. So, I wipe my tears and look at him blankly.

"Ok lang ako. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong ibalik ang dating ako. Yung walang pakialam sa ibang tao.

"Sinundan kita" sabi niya at natahimik ako sandali.

"S-sino si D-Darlene?" ayoko mang malaman kung Sino siya sa buhay ni Jether pero parang may nagtutulak sakin na alamin.

"P-Please tell me. Who the fuck is, Darlene. Who is she in Jethers life? and why do Jether show so much care about that girl?" hindi kona mapigilang mapaiyak sa harapan niya.

Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko ngayon. "P-please, Chross. Tell me everything." nakita kong napayuko siya at bumuntong hininga.

"She's Jethers Girlfriend" WHAT?!.

"G-Girlfriend?"

"I mean ex-girlfriend. Wala kasi ailang closure nung nag break sila." sabi niya. Hindi naman ako naniniwala dun. " Please, Karell. Hear Jethers explanation first." sabi niya ulit. PAANO?

"Bakit wala man lang siyang nabanggit na tungkol sa Darlene nayun? Edi sana hindi na ako umaasa diba?" Bakit? Edi sana habang maaga pa napigilan kona ang sarili kong mahulog sa kaniya.

"Dahil ayaw niyang pag-usapan pa siya. Gusto na siyang kalimutan ni Jether. Maniwala ka, Karell ikaw na ang Mahal ni Jether."

Ako? Mahal niya? Paano pa ako maniniwala sa kaniya? Dumating lang ang babaeng yun balewala na ako agad? Naglolokohan ba tayo?

Ayoko ng makinig sa kaniya kaya tumayo nalang ako at linayasan siya. Ayoko ng makinig ng another lies. Gusto ko ng umuwi, pagod na ako, pagod na ang puso ko.

Dina kakasabi ko lang kanina na sana walang sumira sa araw nato? Pero nagkakamali pala ako dahil baliktad ang nangyari. Sirang-sira ang araw nato.

Naglalakad ako ng may tumigil na sasakyan sa unahan ko at lumabas doon si Clauss.

"Uuwi kana ba?" tanong niya sakin.

Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Wala akong ganang magsalita sa kahit na kanino. Hinawakan ni Clauss ang kamay ko at pinasakay ako sa kotse niya.

Buong byahe ay wala akong imik, nakatingin lang ako sa labas. Naririnig kong nagsasalita si Clauss pero hindi ko maintindihan dahil hindi naman ako nakikinig. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay ko.

"Nandito na tayo." sabi niya kaya bumaba na ako.

"Salamat, Clauss." sabi ko pagkalabas ko.

Hindi pa man ako nakakahakbang ng tinawag niya ako. Pagharap ko sa kaniya ay nasa harapan kona siya at niyakap ako kaya yumakap rin ako sa kaniya pabalik. Sa tingin ko naaawa siya sakin.

"Nandito lang ako, Karell." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"Salamat, Clauss." tapos at kumawala ako sa pagkakayakap niya.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon