CHAPTER 20

514 36 0
                                    

Karell POV

"Karell Warts Vergara, will you marry me?" sabi ni Jether habang nakaluhod ang isang tuhod tapos ay binuksan niya ang isang maliit na box na may lamang singsing.

Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala pa siya sa akin. Kaya oo magpapakasal ako sa kaniya.

"Ye---"

"Kringgg Kringgg kringgg"

Naalimpungatan ako dahil sa tunog na yun. Bwesit naman oh kung kelan sasagot na ako ng yes.

"Kringgg kringgg kringgg" tunog ulit ng cellphone ko.

Inaabot ko ito at sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitingnan kung Sino mang istorbo ang tumawag.

"Ano ba, ang aga aga nambubulabog ka" bungad ko sa tumawag. Tahimik lang sa kabilang linya, kaya tiningnan ko kung Sino ang tumawag.

"Good Morning din, Yam." nanlaki ang mata ko kung Sino ang sumagot.

Enebe eng ege ege pe eh. Wahhhhhh...

"Hello, Yam. Nandiyan kapa ba?" sabi niya ulit.

Wala na kinilig na ako. Iba kasi ang pakiramdam kapag tinatawag niya akong Yam. Oy Wala akong ginawa ah...

"H-ha? Ah O-Oo nandito pa ako." utal na sabi ko. Bakit naman ako nauutal.

"Susunduin nalang kita sa inyo." sabi niya.

"H-ha? B-Bakit?" anong meron.

"May date tayo diba? Nakalimutan mo na?" (O_O) date raw?

>FLASHBACK<

"Jether," sabi ko kay Jether habang sumasayaw kami.

"Yes, Yam?" sagot niya sakin habang nakangiti. Naku wag kang ngumiti.

"Pano na yung dare natin?" sabi ko sa kaniya. Remember yung 'Date' thing.

"Anong dare?" tanong niya sakin. Nakalimutan niya yun? Samantalang siya ang nagsimula nun?

"Tsk! Wag na nga." nainin lang ako sa kaniya.

"Alam ko kung ano yun, " sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin, pero napayuko lang siya. "Pero hindi na mangyayari yun, talo kami, eh." sabi niya.

Oo nga pala, natalo sila. "Eh pano ako. Nanalo ako diba? Bakit hindi nalang natin ituloy." sabi ko at napatingin siya sakin na ang lapad ng ngiti.

"Ikaw ah. Gustong-gusto mo pala makipag-date sakin. Hindi mo naman sinabi kaagad." bigla naman akong nahiya sa pinagsasabi ko.

Lumihis ako ng tingin sa kaniya kasi pakiramdam ko ang pula ng mukha ko. Tsk. Bwesit ang lalaking to kung ano anong sinasabi hindi nalang pumayag.

"Ewan ko sayo, wag nalang nga." naiinis na ako sa kaniya. He really love to spoil the moment.

"Hoy, Yam. Oo na. Papayag na akong makipag date sayo." sabi niya. Aba parang lumalabas na ako pa ang nagyaya sa kaniya. Walanghiya talaga.

"Tigilan moko, Jether. Nagbago na isip ko." tsk. Bahala siya sa buhay niya.

"Yam, tumingin ka muna sakin." sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"...."

"Yam, titingin ka sakin o hahalikan Kita dito mismo." Edi gawin mo. (O_O) ha? Ano?!. Automatic naman akong napatingin sa kaniya.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon