CHAPTER 24

498 33 0
                                    

Karell POV

Nandito ako ngayon at papasok na sa loob ng school habang nanghihina dahil sa mga nalaman ko Mula kay Darlene. Bakit hindi sinabi sakin ni Jether na ikakasal pala sila ni Darlene?.

Ayaw ng isip ko na tumuloy sa gymnasium pero hindi sumusunod ang mga paa ko. Kahit na nanghihina ay patuloy nitong nilalakbay ang daan papuntang gymnasium.

Gusto kong makita si Jether, gusto ko siyang mayakap ulit pero bumabagabag sakin ang mga sinabi ni Darlene. At ayokong ako ang maging sanhi ng ikababagsak ng buong pamilya ni Jether.

>FLASHBACK<

"Tigilan moko, Darlene. Hindi totoo yang sinasabi mo." sabi ko sa kaniya habang umiiyak.

Lalagpasan kona sana siya kaya lang ay pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Humarap naman ako sa kaniya. Ano bang problema niya?.

"Daddy ni Jether mismo ang nagplano ng kasal namin," sabi niya sakin kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi totoo yan," pilit kung kinukumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng ito.

"Totoo yun, Warts. Totoo ang lahat ng mga sinabi ko at sa oras na hindi ako pakasalan ni Jether," at hindi niya tinuloy ang sinabi niya.

"Ano? Magpapakamatay ka? Huh edi maganda yun para wala ng epal saming dalaw---"

"Babagsak ang kompanya nila at maghihirap sila,"

"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi parin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.

"Kapag hindi siya nagpakasal sakin, ikakancel ni Daddy ang lahat ng transaction niya sa kompanya nina Jether at babagsak ang kompanya nila." sabi niya habang nakangiti ng nakaka-irita at nakatingin sakin.

"H-hindi," sabi ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang frustration.

"Bakit? Gusto moba yun? Yung makita si Jether at ang pamilya niya na naghihirap?" sabi niya habang umiikot-ikot sakin.

"Napaka-selfish mo naman kung ganun. Para sa kapakanan mo, hahayaan mong maghirap ang pamilya ng taong Mahal mo." sabi pa niya. "Kaya kung ako sayo, tumakbo ka nalang palayo at wag ng magpapakita pa kahit kailan..."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga dapat niyang sabihin ay nilagpasan na niya ako at naunang pumasok sa loob.

>END OF FLASHBACK<

At ngayon, hindi ko alam kung papasok pa ba ako o hindi na. Hindi ko alam kung haharapin kopa ba si Jether o hahayaan ko na nalang ang sarili ko na hindi na siya makita.

Pero at the end ay lumuluha akong nakapasok ng gymnasium. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita dahil madilim. Nasaan na siya? Pinaglalaruan lang ba niya ako? Siguro nandoon na siya kasama si Darlene kasi sila naman talaga Yung ikakasal eh, hindi naman kami.

Mabait sakin si Tita Clarisse at si Tito Giovanni kaya hindi ko kayang makitang mawala ang pinaghirapan nila sa matagal na panahon. Ayokong maging sanhi ng kalungkutan ng lalaking Mahal ko kaya mas mabuti pang umalis nalang ako sa lugar nato.

Tumalikod na ako at handa ng lumabas ng gymnasium ng may umilaw sa may likuran ko kaya napaharap na naman ako.

Bawat hakbang ko ay may bumubukas na mga ilaw na parang iniilawan ang dadaanan ko. Maya-maya pa ay narinig kong may tumugtog na tagu-taguan by JRoa.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon