Karell POV
Lunes na at araw na ng intrams. Mauuna ang basketball dahil bukas pa ang swimming. Manunuod ako ng basketball kasi gusto kong makita si Jether.
Ha? Anong sabi ko? Joke lang yun. Feel ko lang maging masaya ngayon masama ba? Sana nga walang sumira sa araw nato.
Sana kasing say ito ng kagabi, kung saan nakita at nakausap ko ulit si Kuya Eron. Mas lalo siyang gumwapo ngayon, hindi ko inaakalang kapatid pala siya ni Jether.
Hindi raw siya makakapanood ng laro ni Jether dahil maghahanap siya ng hospital na pwede niyang aplayan panandalian, for experience lang ba.
"Karell, sandali." napatingin ako sa lalaking humawak sa braso ko.
"Anong kailangan mo?" malamig na tugon ko.
"Please, pakinggan mo muna ako. Hayaan mo muna akong magpaliwanag sayo." sabi niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Clauss. Matagal na tayong tapos." sabi ko. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Bakit pa? Ano pa bang ipapaliwanag niya?.
"Please, Karell. Pakinggan mo muna ako." sabi niya ulit.
"Pwede ba, Clauss? Umalis kana nga may girlfriend kana diba?" sabi ko.
Meron na siyang girlfriend pero bakit pa niya ako ginugulo. Aalis na sana ako pero bigla niya akong binuhat na parang sako. Saan ba niya ako dadalhin?.
"Clauss, ano ba? Gusto moba talagang kamuhian Kita?" pagbabanta ko sa kaniya.
Pero hindi niya ako pinakinggan. Dinala niya ako sa likuran ng isang room. Pagkababa niya sakin ay inambahan ko siya ng suntok pero nasalo niya ang kamay ko sabay yakap sakin.
"Please, makinig ka muna sa mga sasabihin ko." may pagmamakaawa sa boses nya.
Habang yakap niya ako ng mahigpit ay hindi na ako nagpumiglas pa. Siguro ito na ang tamang oras para magkalinawan kami.
"Hindi ko girlfriend si, Daphnie." paunang sabi niya na ikinagulat ko. " Kapatid ko siya..." bigla ko siyang naitulak sa sinabi niya.
"Wag ka ngang magsinungaling, Clauss. Wag mong itanggi ang girlfriend mo sa harapan ng ibang babae." sabi ko sa kaniya.
Ayokong gawin niya kay Daphnie ang ginawa niya sakin. Kahit na magka-away kami ng bruha nayun hindi ko parin maaatim na mang-agaw ng boyfriend ng iba.
Aalis na sana ako pero napatigil ako sa sumunod na mga sinabi niya.
"Mahal Kita, Karell. Mahal kita mula noon hanggang ngayon. Hindi totoo ang lahat ng mga sinabi ng unang pagkikita natin. Nagawa ko lang yun dahil yun ang gusto ni Daphnie."
Humarap ako sa kaniya, pero nakayuko siya.
"Nagawa ko ang lahat ng yun dahil gusto kong bumawi sa kapatid ko. Gusto kong maramdaman niyang ako ang Kuya niya, na ako ang magtatanggol at po-protekta sa kaniya." sabi pa niya.
Napaangat naman siya at tumingin sakin. Naiintindihan ko siya. Pero---.
"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng yan, Clauss?"
"Kasi ayoko ng magpagamit pa sa kapatid ko. Ayoko ng maging sunod-sunoran sa kaniya. Ayoko ng layuan ang babaeng Mahal ko." hindi ko alam kong papaniwalaan kopa ba siya.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Storie d'amore[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...