Jether POV
Malapit ng dumilim Kaya may mga ilaw na sa labas. Bitbit ang tela na may nakabalot na ay ice ay hinahanap ko si Warts. Nasaan na kaya ang babaeng yun?.
At sa wakas ay nakita kona rin siya. Nakaupo siya sa tabing dagat, nakatanaw lang at parang malalim ang iniisip. Hindi nga niya namalayan ang pagdating ko.
"Bakit nag-iisa ka dito?" pambabasag ko sa katahimikan. Kaya napatingin siya sakin.
"Kasi may kasama ako!" ayan na naman ang pamimilosopo niya.
Tapos nakita ko na namang nakatingin siya ulit sa dagat. Ganun na ba kahalaga sa kaniya ang paglalangoy?.
"Are you that eager to swim?" biglang tanong ko.
Konting katahimikan bago niya sinagot ang tanong ko. "Yeah!" sagot niya. "I am eager to swim and I am eager to win the game. But..." tapos ay napahinto siya saglit.
"But why?" tanong ko.
Napatingin siya sakin na nakangiti pero puno ng lungkot ang mga mata niya. Ayan na naman ang mga matang yan. Parang gusto ko siyang yakapin.
"But I don't think if I can make it." sabi niya at napayuko siya. "I don't think if I can grant my Mom's wish." dagdag niya habang nakayuko.
Ewan ko pero sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, nalulungkot rin ako. Biglang kumusa sa paggalaw ang mga kamay ko at hinawakan ang mukha niya.
Punong-puno ito ng lungkot na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Gusto kong burahin ang lungkot na nararamdaman niya pero pano?.
Inangat ko ang mukha niya at iniharap sakin, hindi naman siya umangal sa ginawa ko. Tsaka ko dahan-dahang dinampian ng dala kong telang may ice ang pasa niya.
Napa-daing siya ng madikitan ng ice ang pasa niya.
"Bakit may dala kang ganyan?" tanong niya sakin. Patuloy lang ako sa paggamot sa kaniya.
"Alam ko kasing may pasa ka. Alam koring hindi mo yan gagamutin. Tsk! Basagulera ka talaga....Ouch!" daing ko ng pinitik niya ang noo ko.
"Sorry! Masakit ba?" sabi niya at hinawakan ang noo kong pinitik niya.
Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakahawak sa noo ko. Nakaramdam na naman ako ng kuryenteng dumadaloy sa katawan namin.
Naiilang siguro siya pero pinipilit kong hulihin ang tingin niya. Para naman akong aatakihin sa puso ng magtama ang paningin naming dalawa.
Sandaling nanuyo ang lalamunan ko kaya hindi mona ako nakapagsalita.
"Gusto mo bang turuan kita?" sa wakas at nakapagsalita narin ako.
"H-ha?" napabitiw naman siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
Papaluin na naman niya sana ako pero nahuli ko ang kamay niya at tiningnan ko siya ulit ng matiim sa mata.
"I can help you to swim" sabi ko. "I can help you to win," nakita ko ang pagkabigla sa Mata niya. " And I can help you to grant your Mom's wish." pagpapatuloy ko sa pagsasalita.
"P-pero pa----"
"I can be your coach, and at the same time your lifeguard," pagpuputol ko sa sinabi niya. "Just to ensure your safety when you are swimming."
Nakatingin lang ako sa mga Mata niya at hindi ko malaman kong anong klaseng emotion ang pinapakita niya.
Karell POV
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romansa[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...