CHAPTER 25

598 34 0
                                    

Karell POV

It's 7:30 A.M

"Anak, halikana" sabi ni Dad sakin.

"Hmmm." tumango lang ako sa kaniya.

"Ang ganda-ganda mo, Anak. Kamukha mo ang Mommy mo nung ikinasal rin kami." sabi ni Dad. "Parang kailan lang ng kinakarga-karga pa kita, natutulog kapa sa dibdib ko, at hinihili kapa ng Mommy mo para makatulog ka, pero ngayon..." parang naiiyak na sabi ni Dad. Pati ang mga mata ko nararamdaman ko ring umiinit na.

"D-Dad, wag kang umiyak kundi ako mismo ang babatok sayo. Tsk! Sinisira mo ang make up ko." sabi ko at pinupunasan ang mata ko kasi parang anytime may luhang babagsak mula rito.

"Masaya lang ako, Anak. Dahil sa wakas ay nahanap mo narin yung lalaking sa kabila ng kawalang hiyaan mo," sabi niya habang natatawa. "sa kabila ng kagagahan mo ay tinanggap ka parin."

"Tsk! Magpapasalamat na sana ako eh kaya lang ansama naman ng sinabi niyo." reklamo ko sa kaniya.

"O sya, halikana baka naiinip na Yung groom mo." Yaya ni Dad at inilagay niya ang kamay ko sa braso niya.

Tama kayo ng nababasa ikakasal nga ako, ikakasal kami. Akala niyo walang happy ending no? Nagkakamali kayo dahil hindi papayag ang magiging asawa ko.

Kung tatanungin niyo kung ano nangyari kay Darlene. Well, sad to say pero patay na siya. Nag crash ang eroplanong sinasakyan niya pabalik ng America. At ayun sa balita walang nakaligtas na mga pasahero.

Yun lang so babye na muna kasi pupunta na kaming simbahan.

Jether POV

7:30 A.M

Ilang sandali nalang makikita kona ulit si Yam, wearing her wedding dress. Tsk! Hindi ko kasi siya nakita ng isang linggo dahil pinipigilan ako nina Chross, Gendel at nakisali rin si Clauss.

Kung gusto niyo malaman ang nagyari ng proposal ganito yun...

- FLASHBACK -

Isusuot kona sana kay Warts ang singsing ng bigla siyang umatras habang umiiling. Nung tinanong kona siya ng 'will you marry me,' ay hindi siya sumagot.

Parang nadis-appoint ako at the same time ay nasaktan ng bigla nalang siyang tumakbo. Panay naman ang tanong ko sa sarili ko kung bakit? May nagawa ba akong Mali?

Napasinghap ang mga nanonood sa amin, pati sila Mommy at Daddy maging sila Kuya at si Tito Larry ay ganun rin. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Susundan kona sana si Warts ng may pumigil sakin...

"Babe, dito kalang," sabi niya.

"Darlene, ano na naman ba'to?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka niya Mahal kaya ayaw niyang magpakasal sayo," sabi niya.

"Hindi totoo yan, Mahal niya ako Alam ko yun at nararamdaman ko yun kaya pwede bang bitawan Mona ako?" sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Bakit mopa siya hahabulin, Jether. Hindi naman talaga kayo ikakasal dahil tayo. Tayo ang ikakasal." sabi niya ng umiiyak.

"Hindi tayo ikakasal, Darlene. Si Warts lang ang gusto kong pakasalan." sabi ko sa kaniya. Siguro Hindi pa nasasabi ng Daddy niya sa kaniya na kanselado na ang kasal namin.

"We're in an arrange marriage, Jether. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka ikakasal." sabi niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon