Jether POV
> AFTER 1 WEEK <
Natapos na ang practice ng lahat, at nakabalik narin kami sa kaniya-kaniya naming bahay. Kung tatanungin niyo si Warts...Ahm ok na siya...
Hindi na siya mabilis mapulikat. Nakatulong sa kaniya ang ginagawa kong pagmasahe sa paa niya bago siya lumangoy. At tinuruan ko rin siya kung ano ang gagawin niya kung sakaling sumpungin siya ulit.
Linggo ngayon at bukas na ang simula ng laro namin. Mauna ang basketball, Volleyball, Football, at iba pa. Sa Martes naman ang swimming, taekwando, atpb. Tapos sa miyerkules naman ang iba.
Sa Huwebes ay tigil na ang lahat ng laro dahil pahinga ng lahat para sa gaganaping awarding sa Friday night. Hindi narin ako magiging substitute dahil bumalik na si Tito Adrian.
Magaling na siya at kinuwento niya sa amin kung ano ang ginawa sa kaniya ni Warts. Pinapaingat nga niya ako kay Warts baka kung ano raw ang gawin sakin. Iba talaga ang babaeng yun. Pero kahit ano pa siya, gusto ko parin siya.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga lang at nakatingin sa ceiling. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Bumili na ako ng bagong cellphone pero yun parin ang sim card ko.
Hindi narin naman tumawag pa ulit si Darlene. Mabuti naman kung ganun. Masaya na ako ngayon, nakalipas na Yung sa Amin.
"Hello, Ma?" tanong ko sa kabilang linya.
" Son, we're going to watch your game." sabi ni Mommy.
" Don't fool me, Mom. I know na hindi kayo aabot. Bukas na ang laro samantalang nandiyan pa kayo sa States. Kahit ngayon kayo mag book ng flight hindi kayo aabot." mahabang sabi ko.
Narinig ko namang napatawa silang dalawa sa kabilang linya. Siguro nasa tabi niya si Kuya Eron.
"Really? Bakit hindi mo kami pagbuksan ng gate ngayon?" ANO?! GATE?.
Dali-dali naman akong napasilip sa bintana at tiningnan sa labas ng gate. And there they are. Si Mommy at si Kuya Eron, kumakaway sakin.
"Pababa na po ako." madaling sabi ko at excited na bumaba para salubungin sila.
"Hey, Jet." sabi ni Kuya pagkarating ko.
"OMG! Jether, bakit parang pumayat ka? Kumakain kapa ba?" sabi ni Mommy habang yakap ako.
"Mom, ganito na talaga ako. Halina kayo dun tayo sa loob." pag-aya ko sa kanila sa loob.
"Anong gusto niyong inumin, Kuya?" tanong ko kay Kuya.
"Naku, Bunso. Ako na ang kukuha. Maupo kana at mag-usap muna kayo." sabi ni Kuya.
Pagkaalis ni Kuya ay hinarap ako ni Mommy. Sabay hawak ng dalawang kamay ko.
"Anak, nasaan na ang girlfriend mo?" nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Mommy. Bakit ganyan agad tanong niya.
"Girlfriend? Naku, Mom. Wala pa po pero malapit na." sabi ko sabay kindat sa kaniya.
"Asuss. Nagbibinata na ulit ang Bunso ko." sabi ni Mommy at ginulo ang buhok ko.
"Mom, ang buhok ko." reklamo ko sa kaniya.
"Siya nga pala sa labas tayo kakain ngayon." sabi niya. " Kasama natin Yung kumpare ko at yung anak niya." dagdag niya. Sino naman kaya yun?.
"Sino, Mommy. Sila Karell po ba?" biglang singit ni Kuya. Karell? Si Warts ba ang tinutukoy nila?.
Naguguluhan man ay hinayaan ko nalang baka hindi naman siya ang tinutukoy nila. Hindi naman sila magkakilala nun.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...