Karell POV
Nandito na ako sa school. Friday na pala at bukas wala ng pasok. Habang naglalakad ay may naka banggaan ako.
"Ano ba! Hindi kaba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" sabi ko habang pinupunasan ang damit ko.
"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." pagkarinig ko ng boses nayun ay napatigil ako...
"Clauss?" sambit ko.
"Karell? Ikaw ba yan?" tanong niya sakin.
"Oo ako nga." maikling sabi ko.
"Kumusta kana? Gumanda ka ah." sabi niya.
"Ito buhay pa naman. Simula ng iwan moko at hindi na binalikan." biglang sumeryoso ang mukha ko.
"Sorry sa nangyari noon, umalis ako ng walang nasabing paliwanag sayo." sabi niya.
"Naku ano kaba. Ang mahalaga nandito kana at tayo na uli---"
"Hindi." nagulat ako sa biglang sagot niya. "Sorry pero hindi na natin pwedeng maibabalik ang dati." dagdag pa niya.
"Huwag kang mag-alala maghihintay naman ak-----"
"May gf na ako ngayon, Karell at mahal na mahal ko siya." bigla akong napatigil sa sinabi niya.
"P-pero p-pano ako?" tanong ko.
"Anong paano ka? Hindi kita mahal, Karell. At hindi rin kita minahal, laro lang ang lahat ng yun." sabi niya. Biglang parang may tumusok na karayom sa puso ko. Pero hindi ko pinahalata sa kaniya.
"Ah...hahahaha...Oo naman." malaking kasinungalingan. "Joke lang naman ang mga sinabi ko ano kaba. Alam ko namang hindi moko mahal eh kaya nakipagsabayan lang naman ako sa trip mo." sabi ko habang pinupunasan ang luhang kunware dahilan ng pagtawa ko. Pero ang totoo dahil yun sa pagka wasak ng puso ko.
"Ahahahaha, Ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Hindi kasi kita type noon kasi ampangit mopa noon." sabi naman niya. Ganun pala ang tingin niya sakin noon.
" Oo nga mabuti nalang at natuto na akong magpaganda ngayon. Hindi kagaya mo na mukha paring asong galisin sa kalsada." hindi kona mapigilan ang sarili ko. " Sabihin mo lang kung wala kang pampa derma dahil bibigyan Kita. Ipapatanggal ko yang buong mukha mo." Sabi ko nanggigigil na ako.
Hindi naman siya galisin eh. Gwapo nga siya pero nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. Nararamdaman kong umiinit ang mga mata ko kaya nagpaalam na ako sa kaniya. "Segi alis na ako", baka kasi may masabi pa siyang mas masakit.
Umalis na ako kaagad sa harapan niya. Agad akong pumasok sa isang bakanteng room at doon ibinuhos ang luhang pinipigilan kong lumabas kanina pa.
Masaya ako kanina ng makita ko siya, not until nung sabihin niyang may gf na siya at mahal na mahal pa niya. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako naniwala sa kaniya gayong trip lang niya pala ako.
First love ko siya. Yes at hindi ko aakalain na trip lang niya pala yun. Ako naman itong si tanga na seryoso sa kaniya. Halos sinusuway ko si Daddy noon para lang pumunta sa kaniya. Akala ko kasi magbabalik na siya sakin yun pala hindi dahil may mahal na siyang iba.
Maskit, Oo. Alangan namang magpa-party ako kasi nasasaktan ako ngayon.
Ito ang pangatlong pagkakataon na umiyak ako ng ganito. Una, yung namatay si Mommy sa harapan ko at wala man lang akong nagawa. Nabundol kasi siya ng kotse dahil sa pagsagip sakin. Pangalawa, ay nung iniwan ako ni Clauss ng walang dahilan, tapos ito na naman at si Clauss ulit ang dahilan.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...