Larry POV
Nakarating na kami ngayon dito sa Island, pinili ko ito dahil nang maliit pa si Karell ay dito sila nagpa-practice ng Mommy niya. Hindi ko alam Kong natatandaan pa niya o hindi na.
Nagsulimula ng magbabaan ang mga estudyante pero itong anak ko tulog na tulog. Ang bigat pa naman nito. Sandali lang at maghahanap ako muna ako ng magbubuhat sa batang to.
Tatayo na Sana ako ng biglang may nag volunteer...
"Tito, ako na po." sabi niya.
"Oh nandito kana pala, akala ko nagbibiro kalang kanina ng tumawag ka." sabi ko sa kaniya.
"Hindi po, Tito. Nami-miss kona po kasi kayo at itong anak niyo." sabi pa niya.
Binuhat na nga niya si Karell. "Grabe ang bigat naman ni Karell ngayon, Tito." reklamo niya.
"Oo nga eh. Noon ang gaan niya pa, tapos ngayon parang mas mabigat pa siya sakin." sabi ko naman. Natawa nalang kaming dalawa.
Jether POV
"Sino yun, Jet?" tanong sakin ni Gendel.
"At bakit mukhang close sila ng Daddy ni Warts?" sabi naman ni Chross.
"Wag niyo nga akong tatanungin ng ganyan. Malay koba kung sino ang ungas na yan." sabi ko. Bakit parang ang init bigla ng ulo ko.
"Oh relax. Bakit nagagalit ka kaagad. Nagtatanong lang eh." sabi ni Chross na parang natatawa pa. Anong nakakatawa dun?
Hindi ko kilala kung sino ang lalaking yun. Lalapitan kona sana kanina si Mr. President ng naunahan ako ng lalaking yun.
At binuhat niya si Warts, biglang uminit ang ulo ko sa nakikita ko at mukhang ok lang naman sa Daddy ni Warts. Sino ba siya?.
Habang naglalakad at buhat-buhat si Warts ay nagkukwentuhan pa sila. Ganun sila ka close sa isa't isa. Sinabi pa ng ungas nayun Kung gaano niya na miss si Warts. The Hell!.
"Hoy, Jet. Masisira na yung bag sa sobrang higpit ng hawak mo." natauhan naman ako sa sinabi ni Chross. Malapit na kasing maputol ang hawakan ng bag na hawak ko.
"Tsk! Iba talaga nagagawa ng pag-ibig." sabi naman ni Gendel.
"Halina nga kayo, dun tayo sa warehouse namin tutal wala namang tao dun ngayon." sabi ko sa kanila at mukhang nagulat pa.
"S-sa inyo ang island nato?" gulat na tanong ni Gendel.
"Hindi sa inyo to. Tsk! Bilisan niyo na nga." sabi ko. At naglakad na kami.
"Bakit hindi mo sinabi na meron pala kayong ganito." sabi ni Chross.
"Nagtanong ba kayo?" sagot ko.
" Bakit hindi mo man lang ako dinala dito, Jet." sabi naman ni Gendel.
"Birthday moba?" sabi ko naman.
"Ikaw natutulad kana kay Warts ah. Pilosopo kana Rin." sabi ni Gendel.
"Pero bakit 'Four Cruiser' ang pangalan?" biglang tanong ni Chross.
" Combination ng pangalan namin ni Kuya at apilyedo." maikling paliwanag ko.
"Ahhh so, yung Four, Fournax. Tapos yung Cruiser, Cruise mo at Chester ng kuya mo. Ang talino talaga ng magulang mo." manghang sabi ni Gendel.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...