>Makalipas ang apat na buwan<
Karell POV
Yeheyyy. Babalik na si Jether, makikita kona siya ulit... Pero simula kahapon hindi siya tumatawag sakin, may problema kaya yun? Oh by the way graduation na nila sa susunod na linggo. Wala lang share ko lang.
"Kringgg kringgg kringgg" agad kong kinuha ang cellphone ko dahil akala ko si Jether ang tumawag pero hindi pala.
"Hey, Karell babalik na kami mamaya." bungad ni Chross.
"So? Asan si Jether ba't hindi siya tumatawag sakin?" tanong ko sa kaniya.
"Ha? Ah eh oy Gendel ikaw naman kumausap sa kaniya.." nagbangayan pa sila sa kabilang linya. "Ayoko nga ikaw ang tumawag sa kaniya eh." sabi ni Gendel.
"Hayst! Ano ba yan sasagot lang ng Oo o hindi, hindi pa magawa." inis na sabi ko.
"Hmm, bye muna Karell, mag iimpake lang kami. See you!" ayst bwesit ang mga yun mga walang kwentang kausap.
Fast forward na tayo ngayon, nandito na kami sa airport syempre sasalubungin ko si Jether. Hehehehe. Maya-maya pa ay natatanaw kona sila Chross at Gendel pero wala si Jether, baka naman nasa huli lang.
Hanggang sa nilampasan ako nila Chross dahil sinalubong sila ng kanilang magulang. Nasaan si Jether? Bakit wala siya? Nasa loob pa ba siya?.
"Karell," si Chross at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Hintayin mo nalang ang tawag niya, ipapaliwanag niya sayo." sabi naman ni Gendel.
"Ipapaliwanag ang alin? Hindi ko kailangan ng paliwanag, ang kailangan ko ang makita siya. Nasaan naba siya?" tanong ko sa kanila.
Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa mga sinasabi nila. Unti-unti naring lumalabo ang paningin ko dahil sa namumuong mga luha sa mata ko.
"Magtiwala ka lang kay, Jether." sabi ulit ni Chross at umalis na sila.
"Kringgg kringgg kringgg" tiningnan ko ang tumatawag kahit na nanlalabo ang mata ko.
"Hello, Yam. Nasaan kana? Nandito na ako sa airport naghihintay sa arrival mo." masayang sabi ko habang pinapahid ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko.
"Y-Yam. Makinig ka muna sa sasabihin ko, ok? Pakinggan mo muna ako." seryoso pero parang kinakabahang sabi niya.
"Wag kana ngang pa-surprise diyan at sabihin muna." atat na sabi ko pero sa totoo kinakabahan na ako sa uri ng pananalita niya....
"Hindi ako makaka-attend ng graduation, Yam. Hindi ako makakauwi ng another isang taon."
"Hindi ako makakauwi ng another isang taon."
"Hindi ako makakauwi ng another isang taon."
"Hindi ako makakauwi ng another isang taon."
Halos magpagting ang pandinig ko sa sinabi niya. Napaluhod nalang ako sa sahig sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Wala akong lakas na tumayo dahil parang anytime matutumba ako.
"Yam, nandiyan kapa ba? Yam, sorry na hindi ko kaagad sinabi sayo." sabi niya sa kabilang linya. Ako naman ay nabitawan kona ang cellphone ko.
"Huwag mokong kakausapin," sabi ko ng umaagos and mga luha.
"Yam, wag naman ganyan, pakinggan mo muna ako." sabi niya.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...