Karell POV
Yes! Pasukan na naman at ready na ako ulit. Well, palagi naman akong ready. Ito ako ngayon sa loob ng kotse kasama ko si Dad, inaayos ko lang ang sarili ko.
"Maganda kana, Anak, tama na yan." sabi ni Dad.
"Alam ko, Dad" sabi ko. "Ay tsaka nga pala, Dad, mauna kana mamaya may night class ako, eh." sabi ko ulit. Yah pag Thursday kasi may night class ako.
"Ok, sige pero may makakasama ka pauwi, sasabihan ko nalang siya mamaya na isabay ka." sabi naman ni Dad.
"Ok, Dad!" pag-sang-ayon ko sa kaniya.
Tapos nakarating narin kami sa school, nauna akong lumabas dahil nag park pa si Dad. Pagpasok ko, as usual nagsihawian ang mga chaka sa daanan ko. Ayaw nilang makatikim ng kasungitan ko.
Jether POV
Kakadating ko lang sa school at namangha ako sa eksenang nadatnan ko. Bigla kasing nagsihawian ang mga tao at dumaan si Warts. Iba talaga ang babaeng to. Napailing nalang ako sa nakikita ko, parang feel na feel niyang naglalakad siya sa red carpet.
Hindi ko maitatangging maganda siya dahil maganda naman talaga siya. Hindi siya kagaya ng ibang babae na sobra kong magmake-up dahil parang natural siya at namumula pa ang pisngi niya.
Mangha-mangha rin ang mga kalalakihan sa kaniya at kahit ang ibang kapwa niya babae ay naiinggit sa kaniya. Para ngang walang epekto sa kanila ang pagiging masama ng ugali nito.
"Oy, Jether!" pukaw ng kadadating lang na si Chross.
"Bakit nakatitig ka kay Ms. Sungit?" dagdag naman ni Gendel.
"Kaaway ko ang babaeng yan noh!" sabi ko.
"Asuss, siguraduhin mo lang yang sinasabi mo, Sir Jether!" panunukso ni Chross na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Halikana nga, makikita mopa naman siya mamaya, eh." sabi naman ni Gendel.
"Gago!" sabi ko at nauna na sa kanila. Tsk! Alam ko namang hindi nila ako titigilan.
Pumasok na kami sa classroom namin. Sa tuwing nagtuturo ako sa ibang section ay excuse ako sa ibang subject ko at binibigyan nalang nila ako ng module para maka cope-up ako at hindi ako mahuli sa mga lessons namin. Syempre kahit nagtuturo ako sa ibang year at section ay hindi koparin pinapabayaan ang pag-aaral ko lalo pa at graduating student ako.
Pagpasok namin ay nagtitigan naman sakin ang mga kaklase namin.
"Jether, ang tapang mo naman" G1
"Akalain mo, sinupalpal niya yung maldita nayun." G2
"Kawawa naman si Warts" B1
"Hoy Jether, bakit mo inaway yung crush ko!" B2
Aba iba talaga ang babaeng yun. Akalain mo may nagkagusto pa. Hindi ko nalang sila pinansin. Panay naman ang tawa ng dalawa sa likuran ko. Maya-maya pa ay dumating na si Ma'am.
"Ok, Class. Today we are going to talk about your incoming OJT. I have here the list of students who are qualified to have their OJT abroad such as in Singapore, US, Thailand, Taiwan and many more." sabi ni Ma'am. Na excite naman ang buong klase sa balitang yun.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...