CHAPTER 19

476 34 0
                                    

Karell POV

Friday na ngayon kaya busy ang lahat sa paghahanda para sa gaganaping awarding mamayang gabi. Ako? Wala lang. Pupunta lang naman ako dun para kunin ang pinanalunan ko.

Wala akong balak na magtagal dun at baka makita kona naman kung gaano ka sweet si Jether at Darlene. Ayoko na siyang makita, kaya hanggat kaya ko ay iiwasan ko siya.

"Anak, ready naba Yung susuotin mo?" tanong ni Dad.

"Ready na, Dad." matamlay na sagot ko sa kaniya.

"O sya, bilisan mona at sabay na tayong pupunta dun mamaya." sabi ulit ni Dad at tumango naman ako sa kaniya.

>KINAGABIHAN<

Fast forward na natin. Ito at nakabihis na ako, isang simpleng black dress na strapless, paired with black heels with glitters.

"Oh, Anak yan lang ba ang itsura mo?" takang tanong ni Dad.

"Bakit, Dad?" tanong ko naman sa kaniya.

" Wala naman. Maganda ka parin kahit simple." napangiti nalang ako sa sinabi ni Dad.

Usually kasi kapag may mga okasyon ay sobra ako kung mag-ayos kasi gusto ko ako ang mag-standout sa lahat. Pero ngayon, bahala na.

Pagdating namin sa school ay marami ng tao. Nasa court ang venue ng awarding, hindi ko maintindihan pero parang JS prom. Tsk! OA awarding lang naman ang magaganap.

Kahit simple lang ang ayos ko ay marami paring napapatingin sakin. Kaya siguro masama na naman ang tingin sakin ni Kathie at Daphnie dahil nasapawan kona naman sila. Tsk. Wala na akong kasalanan kung talagang maganda ako kahit anong suot ko.

Pero Wala akong pakialam sa magiging reaksiyon nila hindi naman sila ang pinunta ko dito.

"Karell," napatingin naman ako sa tumawag sakin.

"Clauss," sabi ko sa kaniya.

Ang gwapo niya sa suit na suot niya. Ah baka nagtataka kayo, kung bakit siya nandito kahit hindi siya taga rito. Kasi nandito ang bruha niyang kapatid, yun lang.

"You look beautiful. Can you be my partner this night?" sabi ni Clauss offering his hand to me.

Sa di kalayuan naman ay nakita ko si Jether together with his friends. I saw him intently looking at me, pero umiwas ako dahil nakita kong papalapit na naman sa kaniya si Darlene.

Tinanggap ko nalang ang kamay ni Clauss na nakalahad at naghihintay ng sagot ko. Pumunta kami sa may mga drinks.

Sobrang ingay ng paligid at malakas rin ang sound kaya hindi kami nagkakarinigan ni Clauss. Kaya sa tuwing may gusto siyang sabihin sakin ay kailangan niyang lumapit sa tenga ko.

Later on, the awarding ceremony started. Tinawag naman si Dad para siya ang magbibigay ng mga medals to the winners. Nandoon rin ang ibang mga Dean's.

"Karell Warts Vergara of CS-3C, for winning the swimming competition. Her medal will be given to her by her own father Mr. Larry Vergara, which is also our school President."

I automatically climb at the stage as soon as I heard the announcer called my name. And I can see the happiness in the face of my father, as he put the medal on me.

"Congratulations, Anak. Me and your mother are so proud of you." and with that, I hugged him with my teary eyes.

After that ay bumaba na ako ng stage at agad naman na sumalubong sakin ang nakangiting si Clauss.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon