Jether POV
"Jether, bakit kanina kapa nakatingin kay Karell?" tanong ni Chross.
Bumalik naman ako sa senses ko sa sinabi niyang iyon.
"Oo nga, Jet. Kanina pa simula ng pumasok siya." sabi naman ni Gendel.
"Tsk! Wala ba kayong napapansin sa kaniya?" tanong ko sa kanila.
"Wala naman bukod sa maganda parin siya." sabi ni Chross.
"Tsk! Hindi yun, Hindi niyo ba napapansin na parang nag-aalangan siya?" sabi ko. Tumingin naman sakin ang dalawa na parang sinusuri ako.
"Okay, position na." sabi ng announcer.
"Jet, tapatin mo nga kami." sabi ni Chross.
"Gusto moba si Warts?/Gusto mona ba si Warts?" sabay na sabi ng dalawa.
"Apat nalang ba kayo? Sino pa ang Isa?" sabi ulit ng announcer.
"Saan niyo naman nakuha ang ideyang yan?" tanong ko sa dalawa pero parang hindi naman sila nakatingin sakin. Parang nakatingin sila sa likuran ko.
Pagtingin ko sa tinitingnan nila ay parang nag slow motion ang lahat. At halos lumuwa ang mga mata ng kalalakihan pati na ang dalawa kong kaibigan.
Dahan-dahan kasing hinubad ni Warts ang bathrobe niya. Revealing her sexy and curvaceous body with black swimsuit kaya labas na labas ang kaputian niya.
Tang*na! Anong pinagsasabi ko. Namamanyak naba ako? But everyone can't take their eyes off on her, even me...WHAT?! Takte!
Karell POV
Kanina pa ako naka-upo sa bench na ito at hindi ako mapakali. Nagdadalawang isip rin ako kung itutuloy kopa ba ito o hindi na. Hanggang sa napagdesisyonan ko ngang ituloy.
Agad akong tumayo ng nag-announce na at dahan-dahang hinubad ko ang suot kong bathrobe. Nakita ko namang napanganga silang lahat. Tsk! Alam kong maganda ako at sexy.
"Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan?" sabi ko sa announcer.
"Okay Girls, ready..." pagsisimula ng announcer. "Set..." habang palapit na palapit ay lumalakas rin ang kaba ko. "Gooooo" at iyon na nga.
Pagkasabi niya ay lumusong agad ako dahil gusto kong matapos agad ito. Alam Kong ako ang nangunguna dahil Wala naman akong nakikita sa unahan ko.
Nagturn narin ako para makasalta ako kaagad kaya lang sa kalagitnaan ng paglangoy ko ay naramdaman ko na ang pagbigat ng mga paa ko.
Pinupulikat na naman ako, sinasabi Kona nga ba eh. Pero imbis na tumigil ay ipinagpatuloy ko ang paglangoy ko pero hindi ko maikampay ang mga paa ko.
Pumapailalim narin ako sa swimming pool. Ayokong sumigaw ng tulong nakakababa yun ng pride. Kinakapos na rin ako ng hininga kaya pinabayaan ko nalang ang sarili ko pailalim ng swimming pool.
Naramdaman ko nalang na may pumulupot na braso sa beywang ko and everything went black.
Jether POV
Akala ko hindi siya marunong lumangoy yun pala parang mas mabilis pa siyang lumangoy sakin. Nag turn na siya para bumalik habang ang mga kasama niya ay hindi pa nakakarating.
Nang nasa kalagitnaan na siya ay bigla siyang tumigil.
"Oh! Bakit siya tumigil?" sabi ni Gendel.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...