CHAPTER 8

546 41 0
                                    

>Makalipas ang tatlong araw<

Jether POV

"Maaga namin kayong i-release ngayon para makapaghanda ng inyong gagawin at dadalhin. You will be back here at 3:50 PM dahil ang byahe natin is 4:00 PM. Is that clear to everyone?" sabi ng Dean namin.

Napagdesisyonan Kasi na sa isang Isla kami magpa-practice. Si Mr. Vergara ang nag suggest ng Isla. Bakit alam ni Mr. Vergara ang islang Yun? Pumunta naba siya dun? Pero kailan?.

Ngayon na Ang araw ng pagpunta namin dun. Bukas Kasi magsisimula kaagad ang training. Nagsi-alisan naman kaagad ang lahat para mag ready.

Karell POV

"Oh anak, mag impake kana ng mga dadalhin mo." sabi ni Dad. Hindi ko nalang siya sinagot at dumeritso na ako sa kwarto ko.

Si Dad ang nagpresenta na sa islang Yun kami magpa- practice. Ang Isla na Kung saan once Kung pinag-ensayuhan ng mga panahong buhay pa si Mommy at nagco-compete pa ako.

Nag-iimpake na ako ng mga dadalhin ko. Opportunity Kona ito, nagulat ako ng makita ko ang pangalan ko na naka sulat sa bulletin board. Akala ko kasi Hindi na ako makakapasok.

Sabi Kasi ng coach, may potential daw ako, Yun nga lang dapat daw Hindi na ako mapulikat. Tsk. Anong gusto niyang gawin ko? Bago ako mag swimming magsusuot ako ng mermaid tail?

"Anak, tapos kana ba?" sabi ni Dad na naka dungaw sa pintuan.

"Dad, kakapasok ko lang dito tapos sasabihin niyo Kung tapos na ako? Anong tingin mo sakin si Flash?" Tsk. Excited yata siya.

"Tsk. Pinapabilis ko lang naman yang paggalaw mo para makarating Tayo agad at makapag-practice ka ng medyo matagal." sabi ni Dad. Hay naku!

"Bakit, Dad. Pagdating ba natin dun hindi man lang tayo magpapahinga? At tsaka, Dad alam kong hindi pa aalis ang bus kaya wag niyo kong madaliin." pagtataray ko.

"*Boink* Aray naman, Dad." aray ang sakit ng ulo ko. Binato niya Kasi ako ng sapatos niya. Ang brutal niya noh.

"Wag mokong pipilosopohing bata ka." sabi niya.

"Eh kasi kayo eh. Umalis na nga kayo dito." pangtataboy ko sa kaniya.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-impake ko baka kasi bumalik na naman Yun. At tsaka tama naman si Dad na kailangan ko ng mahaba-habang practice para malaman ko kung kailan aatake ang pulikat ko.

Kailangan kong ipanalo ang larong ito para sa Mommy ko at para doon sa deal namin ng Fournax nayun. Tsk! Hindi ako makakapayag na mangyari yun noh. Ano siya sinu-swerte?

Hay salamat natapos narin. Bitbit kona ang mga gamit ko pababa at dun ko nakita si Daddy na naka-upo sa Sala. Tumingin naman siya sakin.

"Oh tapos kana pala, anak." Daddy.

"Hindi pa, Dad. Ibinaba ko lang ito at mag-iimpake ako ulit." sabi ko.

" Gusto moba ulit ng sapatos, anak?" sabi ni Dad na naka amba na namang tanggalin Ang sapatos niya.

" Joke lang, Dad. Halikana nga." pag-aya ko sa kaniya baka kasi tumama na naman Ang sapatos niya sa mukha ko. At sumunod naman siya.

"Anak, Hindi mo naman kailangang ituloy ang pagsali, eh." biglang sabi ni Dad habang nasa byahe papuntang school.

"Dad, kaya koto at kakayanin ko. Kailangan kong ipanalo ang competitiong ito." sabi ko naman giving her a smile for assurance.

"Nag-aalala lang naman ako, baka maulit yung nangyari sa try out mo ng Hindi ko alam." alam kong alalang-alala siya sa nangyaring yun.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon