Larry POV
Maaga akong nakauwi sa bahay at wala rin namang gagawin sa opisina dahil busy para sa intrams. Nandito ako sa sofa nagbabasa lang ng kung ano-ano. At nagfa-finalize ng takbo ng program na gaganapin. Maya-maya pa ay dumating na ang anak ko.
"Hi, Dad. Ang aga mo yata." sabi niya sabay punta sa kusina.
"Eh walang gagawin sa opisina." sabi ko naman.
"Anak, anong sinalihan mo para sa intrams?" tanong ko sa kaniya. Naupo naman siya sa harapan ko na may bitbit na pagkain.
"Swimming, Dad." deritsong sabi niya.
"Ok ka lang ba anak? Matagal ka ng hindi sumasali sa swimming competition diba? Akala ko ayaw Mona." sabi ko.
Sumasali siya noon ng swimming competition kasama ang Mommy niya. Madalas kasi siyang mapulikat kaya laging nasa tabi niya ang Mommy niya. At namatay ito ay hindi na siya kailanman sumali pa at naging cold bigla siya.
"Siguro panahon na, Dad para gawin ko ito ng mag-isa." sabi niya at tumigil siya sandali. "Na hindi kasama si Mommy." at napayuko siya.
Bigla akong tumayo at niyakap Ang anak ko. Kahit pilitan niyang ngumiti nakikita ko parin ang mga luhang pumapatak sa mata niya. Alam kong nalulungkot siya.
"Dad, namimiss kona siya." sabi niya at tuluyan na nga siyang umiyak. "I really really miss her, Dad. Pero wala na siya." naaawa ako sa anak ko pero wala akong magawa kundi ang yakapin siya at iparamdam sa kaniya na nandito lang ako.
"Anak, nandito pa naman si Daddy diba? Hindi kita iiwanan." sabi ko at naramdaman kong may pumatak na isang butil ng luha na nagmumula sa mata ko.
Patuloy lang sa pag-iyak Ang anak ko. Habang hinahagod ko ang likod niya. Pero maya-maya ay tumahan na siya at bumalik naman siya sa dati.
"Hay naku, Dad. Ang tanda mona tapos an drama mo pa at tsaka umiyak kaba, Dad?Hahaha" grabe naman sa matanda. Pero masaya ako at nakita kona ulit ang masayang mukha niya Yun nga lang nilait niya ako.
"Ako matanda? Bulag kana yata, anak!" sabi ko naman sa kaniya. "Totoo naman, ah. Tingnan mo nga yang puti mong buhok. At tsaka yang kulubot mong balat." Aba! Sumusobra na ang batang to, ah.
"Naku, anak. Uso ang puting buhok ngayon at kahit sinong tanungin mo, sasabihin nila na bata pa ako." depensa ko sa sarili ko. Akala ko titigil na siya yun pala hihirit pa.
"Hay naku, Dad. Tumatanda kana. Wag mong ipapadala sakin ang tungkod mo ah. Tsk. Hindi talaga kita tutulungan sa paglalakad mo kapag uugod-ugod kana." Ayan, tingnan niyo Ang anak ko parang hindi niya ako ama Kung makapagsalita.
"*Boink* Ikaw na Bata ka! Grabe ka Kung makapagsalita sa ama mo!." ayan nakatikim siya ng batok sakin.
"Aray naman, Dad. Bakit kahit matanda kana ang lakas mo paring mambatok!"
"Aba't sumusobra kana...Hoy, Karell Warts Vergara, bumalik ka dito at babatukan pa kita." sigaw dahil tinakbuhan na ako ng magaling kong anak. Tinapos ko nalang ang ginagawa ko at umakyat narin para matulog.
Karell POV
Ngayong araw na ang try-out para sa swimming. Nasaan naba si Dad. Hahahaha syempre joke lang yung mga sinabi ko. Batang bata pa nga si Dad kung titingnan.
Nandito na ako sa school. Malayo palang rinig kona ang announcement. "7:00-8:00 for basketball men and women, 9:00-10:00 for swimming men and women and so on." matagal pa naman pala ang swimming mas mabuting manood nalang mona ako ng try out sa basketball.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...