//Ang chapter na ito ay kwento ni Darlene at Jether. Ito ay isasalaysay ng gwapo raw na si Chross Wilford...//
Chross POV
Hi! Ako nga pala ang gwapong si Chross Wilford na kaibigan ng lover boy na si Jether Cruise Fournax.
Alam namin na may gusto na si Jether kay Karell. Ganyan din kasi siya noon mag-alala kay Darlene. Saksi kami ni Gendel sa pagmamahalan ni Jether at Darlene noon.
Five years na ang relasyon nila Jether at Darlene simula high school. Alam naming masaya sila sa isa't isa, mabait naman kasi si Darlene at maganda pa.
Mahilig mag swimming ang dalawang yun, hanggang sa nagsimula na silang sumali sa mga swimming competition. Nananalo si Jether sa swimming competition samantalang si Darlene naman ay hindi, kaya nalulungkot ito ng sobra.
Dahil naawa si Jether sa girlfriend niya ay araw-araw niya itong tinuturuan. Hanggang sa natuto ito pagkatapos ay sumali ulit sila at sunod-sunod na ang kanilang panalo.
Hanggang isang araw bigla nalang hindi sumipot si Darlene sa date nila ni Jether. Sinasabihan na namin si Jether na wag ng maghintay pero patuloy parin siyang naghihintay.
Hanggang isang linggo ang nakalipas habang nasa sala kaming tatlo nanonood ng basketball ay biglang nakatanggap si Jether ng text.
Ito ay nagmula sa babaeng Mahal niya na si Darlene at ang message ay nagsasabing nandoon na siya sa America. Biglang naitapon ni Jether ang cellphone niya na ikinagulat namin.
Sinabi niya sa amin ang dahilan, na nandoon na nga sa America si Darlene at doon na raw niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. At doon lang namin nakita ang ibang side ng katauhan ni Jether.
Nadepress si Jether dahil sa ginawa ni Darlene at pati kami ni Gendel ay nagalit rin kay Darlene dahil pinaasa niya ang kaibigan namin. Simula noon ay gabi-gabing umiinom at naging mainitin ang ulo ni Jether.
Hindi narin siya sumasali ng swimming competition kahit na maraming coaches ang kumukuha sa kaniya. Pati na mga offer na scholarship ay tinatanggihan niya.
Nung nag first year College kami, Hindi na siya pala imik, sa aming dalawa lang ni Gendel siya nakikipag-usap.
Maraming nagkakagusto sa kaniya pero ni isa Wala siyang naging karelasyon pa. Sa tingin namin ay si Darlene parin ang Mahal niya at hindi magbabago yun. Alam naming patuloy parin siyang umaasa na magbabalik si Darlene, na babalikan pa siya ng babaeng hinihintay niya.
Pero nabigla kami ng nitong mga nagdaang linggo ay parang bumabalik ang Jether noon. Nasilayan ulit namin ang totoong ngiti ni Jether na nawala sa mahabang panahon.
Nitong mga nagdaang linggo parang excited siya lagi sa pagpasok. Akala nga namin ay bumalik na si Darlene na Hindi namin alam. At akala namin ay magagalit siya ng kinuha siya ng Tito niya para magsubstitute.
Pero nagkamali kami dahil ito pala ang magiging way para bumalik siya sa dati. Kitang-kita namin ni Gendel ang sayang gumuguhit sa mga mukha niya everytime na nagkakagulo sila ni Karell.
Masaya kami syempre na makitang bumabalik na siya sa dati. Pero at the same time mayroong katanungang gumugulo sa Amin ngayon.
"Jether, tapatin mo nga kami. Gusto mona ba si Karell?" seryosong tanong ko.
"H-hindi ko alam." alangan niyang sagot.
"Paanong hindi mo alam, Jether?" sabi naman ni Gendel.
"Hindi ko alam naguguluhan ako sa nararamdaman ko." sabi niya.
"Pero Jet, paano si Darlene? Nakamove-on kana ba sa kaniya?" tanong ni Gendel.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romance[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...