CHAPTER 13

480 31 0
                                    

Jether POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pangatlong araw na namin dito sa Isla at mayroon nalang kaming apat na araw sa pagpa-practice.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at naghilamos. Nakita ko naman sa may sala ang basag kong cellphone kaya dinampot ko ito at nilagay sa basurahan.

Wala ako sa mood para magpractice ngayon kaya maglalakad-lakad nalang muna ako. Wala narin sina Chross, siguro alam na nila na hindi ako magpa-practice ngayon.

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako. Hindi na ako nagdamit, mainit rin naman sa labas at hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ang katawan ko.

Lutang ako habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa pwesto ng mga manlalangoy.

"OMG! Nandito si Jether!" sigaw ni Kathie.

"Gosh, siguro pinuntahan niya ako dito!" sabi ng isa pang babaeng nakalimutan ko ang pangalan.

"Galingan natin kasi nandito si Jether." sabi din ng isa pang babae.

Hindi ko nalang sila pinansin at napadako ang tingin ko sa babaeng prenteng naka-upo sa tabi at nakatingin sa akin kaya nilapitan ko siya.

"Enjoying the view?" sabi ko pagkalapit ko.

Napakurap-kurap naman siya. Ang cute niya ngayon.

Karell POV

Nandito na naman ako sa tabi at nagmamasid lang sa mga nag-eensayo. Ayoko ng lumusong baka wala ng Jether na dumating. ANO? Bakit biglang napasok sa isip ko ang lalaking yun.

Maya-maya ay umingay ang mga kababaihan, nagsitilian sila. Bakit kaya?.

"OMG! Nandito si Jether!"

Pagkarinig ko ng pangalang yun ay automatic na napalingon ako sa sinasabi nila. Hindi kona narinig ang ibang sinasabi nila.

Nag focus lang ako sa lalaking parating. Nakashorts lang siya ng hanggang tuhod at shirtless siya. Shit! Bakit ganyan ang itsura niya, wala na ba siyang damit?.

"Enjoying the view?" ay potek!.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Nakatitig kasi ako sa katawan niya.

"H-ha?"

"Your jaw dropping!" sabi niya na may nakakalokong ngiti. Naitikom ko naman ang bibig ko.

"Tsk! Feeling mo naman!" sabi ko pero mahina lang, tama lang para hindi niya marinig.

"*Chuckle*" mahina naman siyang napatawa. "Narinig ko yun." sabi niya. Edi siya na! Hinarap ko naman siya habang nakataas ang kilay.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. May practice sila pero bakit siya nandito.

"Bakit sa inyo ba'to?" pabalik niyang tanong.

" Hindi. Bakit sa inyo ba'to?" tanong ko rin. Tsk! Akala mo naman sa kan---.

"Oo." plain niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.

"Ano?"

"Sabi ko Oo. Sa amin ang islang to. So, pwede naba akong mapadpad dito?" maangas niyang sabi. Napaisip naman ako. Paano nangyari yun?.

"Aray! Bakit ba? Close ba tayo?" sabi ko. Pinisil niya kasi ang ilong ko. Tsk! Close kami?.

Nabigla ako ng lumapit siya sakin, yung malapit as in malapit. Naku baka ituloy niya yung naudlot kagabi hindi ako ready. Heh! Assuming ko masyado. Pero ang lapit niya talaga.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon