CHAPTER 21

476 38 0
                                    

Jether POV

Lumipas ang isang buwan. Ibig sabihin isang buwan narin kami ni Warts. At masaya naman kami, walang problema, yun nga lang kapag tinitopak siya ako lagi ang pinagbubuntungan.

"Jether, nakapaghanda kana ba?" tanong sakin ni Chross.

"Ah hindi kona muna inaalala yun, mabilis lang naman mag-impake." sabi ko sa kanila.

"Bahala ka, baka may makalimutan ka." sabi naman ni Gendel.

"Mukhang excited na excited kayo, ah. Samantalang sa isang linggo pa tayo aalis." sabi ko sa kanila.

"Isang linggo nalang, Jether. Ikaw nga parang wala kang balak pumunta." sabi ni Chross.

Nalungkot naman ako sa sinabi ni Chross. Ayaw ko ngang pumunta kaya lang kailangan, yun din kasi ang Sabi ni Mommy. Naguguluhan ba kayo kung ano ang pinag-uusapan namin?.

"Whooo, Thailand, papunta na kami." sigaw ni Gendel.

Yeah papunta kaming Thailand, kaming tatlo. Qualified kasi kaming pumunta. Nalulungkot lang ako kasi mamimiss ko ang Yam ko. Pero sandali...

"Chross, hindi ba tumutunog ang cellphone ko?" tanong ko kay Chross.

"Hindi naman, bakit may hinihintay ka?" sabi ni Gendel.

"Ahh yung Yam mo? Naku, Jether. Pwede namang ipasok mo si Karell sa isang maleta." biro ni Chross.

"Tigilan niyo nga ako." sabi ko sa kanila. "Segi, alis na muna ako." sabi ko sabay kuha ng Susi at alis.

Nasaan na naman kaya yung babaeng yun. Bakit wala siya? Ng malaman niyang pupunta kaming Thailand ay lagi na niya akong niyayayang mag-date. Susulitin raw niya yung mga araw na magkasama kami.

Pero ngayon buong araw siyang hindi nagpapakita sakin, ano kayang problema nun. Kung kelan isang linggo nalang at aalis na kami. Tsaka siya hindi nagpapakita sakin

>Another three days passed<

"Nakita niyo ba si Warts?" tanong ko sa isang classmate ni Warts.

"Ha? Hindi siya pumasok eh. Bakit?"

"Ah, wala sige salamat." sabi ko.

Iniiwasan ba ako ni Warts? Bakit hindi na siya nagpapakita sakin? Tatlong araw nalang at aalis na kami. Sandali pupuntahan ko muna si Tito Larry sa opisina niya.

"Good mOrning po, Tito Larry." bati ko kay Tito Larry.

"Oh, Jether, bakit? Pasok ka" sabi niya at pumasok ako sa loob.

"Tito, si Warts po? Bakit hindi po siya pumasok?" tanong ko kay Tito Larry.

"Ewan ko sa batang yun, masakit raw ulo niya at ayaw raw niya pumasok." sabi niya.

"Ok lang po ba siya?"

"Hindi ko alam, eh. Pero kung gusto mo, pwede mo siyang puntahan sa bahay." sabi niya sakin.

"Talaga po, Tito?" sabi ko.

Tumango lang ito sakin. Nagpaalam na ako kay Tito Larry at pumunta na sa bahay nila. Ang tahimik parang wala namang tao.

Umakyat ako sa taas para tingnan kung nandoon nga si Warts. Pinakinggan ko muna at may narinig akong hikbi. Umiiyak ba siya?

Wala ng alinlangan at binuksan kona ang pinto. Agad naman niyang pinunasan ang nga luha niya. At nagsalita habang nakatalikod.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon