Karell POV
Pagkagaling ko kay Dad agad akong pumunta sa room namin para magpalit. Nakalimutan kong ipakilala ang mga bruha kong roommate.
Tatlo kami dito sa kwarto at ang dalawang kasama ko ay walang iba kundi ang higad na si Daphnie Alison at ang Kati-kating si Kathie Villagas.
Agad kong pinahiran ang mukha ko pagpasok ko sa loob, nandoon kasi ang dalawa.
"Nandito na pala ang bruha!" sabi ni Daphnie.
"Ano ngayon? Andito ka nga rin, eh." sabi ko naman.
"Sumusobra kana talagang babae ka." tapos ay sinugod ako ni Daphnie at sinabunutan.
Third Person POV
Sinabunutan naman ni Daphnie si Karell kaya walang kagana-ganang tinulak siya nito.
"Aba ang tapang mo talaga ha."
Tapos ay lumapit na rin si Kathie at sinabunutan siya. Hinawakan naman ni Daphnie ang dalawang kamay ni Karell para hindi ito makalaban sa kanilang dalawa.
"Alam mo bang gigil na gigil na akong sampalin ka?! *SLAP* " at sinampal nga ni Daphnie si Karell. "Malandi ka *SLAP* " at sinampal siya ulit.
Dumugo ang labi ni Karell dahil sa dalawang sampal na natanggap niya Mula Kay Daphnie.
Kumawala si Karell sa pagkakahawak ni Kathie at nagtagumpay nga siya. Lalapit pa sana si Daphnie sa kaniya pero tinadyakan niya ito sa sikmura kaya napa-daing ito at napa-atras.
Sasabunutan sana siya ni Kathie pero agad siyang humarap dito at sinalo ang kamay nito sabay na pinilipit patalikod pagkatapos ay sinuntok niya sa mukha.
Napuno ng iyak ni Daphnie at Kathie and buong room, pero dahil lumiliyab parin ang galit ni Karell ay hindi pa sapat ang mga ginawa niya.
Dahil sa inis niya sa dalawa ay hinawakan niya ang buhok nilang dalawa at pinag-umpugan na animoy nagsasabong ng manok. Kaya agad silang nahimatay.
Nang kumalma na siya ay lumabas siya ng room nila para magpahangin. Maya-maya pa ay nakita niya ang nagmamadaling si Chross at Gendel na may dalang First Aid kit.
Karell POV
"Teka sandali." pagpigil ko sa dalawa.
"Oh Karell, ok kana ba?" tanong nila sakin.
" Ok lang ako. Saan kayo pupunta bakit may first aid kayong dala." tanong korin sa kanila.
"Ah kay Jether!" sabi ni Chross. Bakit anong nangyari sa kaniya?.
"Hindi mo ba alam na nakaapak siya ng basag na shell dahil sa pagligtas sayo? At nasugatan ang paa niya?" sabi naman ni Gendel.
Bigla naman akong nakafeel ng guilty, dahil pala sakin kaya siya nasugatan. Siguro oras na para ako naman ang tumulong sa kaniya.
"Sige, Warts. Aalis na kami baka maubusan ng dugo yun." Ha? Maubusan ng dugo? Bigla naman akong nakaramdam ng kaba kaya hinabol ko sila Chross at Gendel.
"Teka. P-pwede bang ako nalang ang magdala niyan?" sabi ko sabay turo sa bitbit nilang first aid.
Nagkatinginan naman ang dalawa na animoy nag-uusap sa tingin. Siguro hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Sigurado ka?" may pagtataka sa tono nilang dalawa.
"Kung ayaw niyo edi wag." sabi ko. Tsk! Bahala sila bihira lang ako mag-offer. Aalis na sana ako pero pinigilan nila ako.
BINABASA MO ANG
FROZEN HEART
Romantizm[ COMPLETED ] Meet KARELL WARTS VERGARA... She's beautiful, rich, and the owner of the school... Arrogant, philosopher, badgirl, a swimmer... She don't care who you are, She has her own rules, Everyone says she's heartless, Everyone says she has a f...