CHAPTER 18

493 34 0
                                    

Karell POV

Papakinggan ko ba siya? Paano kung sabihin niyang si Darlene talaga ang Mahal niya? Pero paano naman kung ako talaga ang Mahal niya?

"Please, Warts." sabi ulit ni Jether. Sasagot na sana ako kaya lang...

"Anak, Jether. Anong pinag-uusapan niyo at parang ang seryoso niyo." biglang dumating si Daddy.

"H-ha? A-ahm. Wala, Dad." sabi ko kay Dad at sumama sa kaniya.

Hindi kopa kaya. Hindi kopa kayang malaman ang totoo. Sa susunod nalang siguro kapag nai-ready kona ang sarili ko.

"Congratulations, Anak" sabi sakin ni Dad habang nagda-drive. Kakain daw kasi kami sa restaurant dahil nanalo ako.

"Thank you, Dad" sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti naman siya sakin. Minsan lang ako ganito kaya wala dapat tumutol.

"Dad, sa tingin mo ba masaya si Mommy ngayon?" biglang tanong ko sa kaniya.

Itinigil naman ni Dad sandali ang kotse sa tabi at hinawakan ang kamay ko.

"Anak, lagi namang masaya ang Mommy mo basta nakikita ka niyang masaya. Siguro ngayon proud na proud sayo yun kasi nanalo ka ulit." sabi sakin ni Dad tapos pinagpatuloy na niya ang pagda-drive.

I'm so happy today, despite of being heart broken.

"Sya nga pala, Anak. Kumusta na kayo ni Jether." ako naman ang napatigil sa sinabi niya.

"Walang kami, Dad" malungkot na sabi ko. " Si Darlene ang Mahal niya at hindi ako."

"Bakit hindi ka nagtapat sa kaniya. Hindi yung iyak ka ng iyak sa kwarto mo." napatingin ako sa sinabi ni Dad. Alam niya?

"P-paano niyo nala---"

"Syempre, Karell. Ama ako, kaya natural lang sakin na mag-alala at alamin ang dahilan ng pagkalumbay mo." seryosong sabi ni Dad.

"Ayoko pong umamin sa kaniya. Para saan pa, Dad kung may Mahal naman siyang iba." nakayukong sabi ko.

"Sinubukan mo bang pakinggan siya? Narinig moba mismo sa bibig niya na si Darlene ang Mahal niya?" napa-iling nalang ako kay Daddy.

Hindi. Dahil natatakot ako sa katotohanan kaya hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon si Jether na magpaliwanag.

"Anak, kung ako sayo, hayaan mo munang magpaliwanag sayo si Jether." sabi ulit ni Dad.

Bumitaw muna ako ng malalim na buntong hininga bago magsalita. " Segi, Dad. Makikinig ako sa inyo. Hahayaan ko siyang magpaliwanag." sabi ko kay Dad at sana ay tama ako sa desisyon ko.

Nagpatuloy lang si Dad hanggang sa makarating kami sa restaurant. Masaya kaming kumain at pagkatapos ay bumalik ako sa school pero hindi kona nakita si Jether pati mga barkada niya.

Si Daphnie lang ang nakikita ko pero iniirapan naman ako ng bruha. Huh! Akala mo kung Sino. Wala akong pakialam kahit na kapatid pa siya ni Clauss.

Ng hindi ko makita si Jether ay umuwi nalang ako sa bahay at doon ang stay. Bukas ko nalang siguro kakausapin si Jether.

-KINAUMAGAHAN-

Nag ayos na ako ng sarili ko dahil pupunta na ako sa school. Hindi ako manonood ng mga game kundi kakausapin ko si Jether katulad ng sabi ni Dad. At kailangan kong tanggapin ang katotohanan.

FROZEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon