Prologo

222 4 2
                                    

Shiela just got married. She seems really happy. Sa aming mag kakaibigan sya ang pinaka sugalera sa larangan ng pagmamahal. Wag nalang natin isama ang pagiging martyr doon, dahil siguradong walang tatalo kay Tresha.

"Ierl is there but she still chose that Attorney." Rinig kong saad ni Khaning sa gilid ko.

"I wonder, how those things happned. Kung tutuusin mas matagal na kasama ni Shiela si Ierl."

Esha chuckles. "Malamang mas mahal nya 'yun. Pipiliin ba naman nya yun kung hindi na mahal?" Pabalang na saad ni Esha na kinatawa ng lahat.

Nanatili lang akong tahimik sa gilid. I don't really wants to speak. Pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas pag nagsasalita ako. Pakiramdam ko lagi akong may masasabing mali, kaya minamabuti kong itikom nalang ang bibig ko lagi.

"Si Esha talaga." Parang batang saad ni Khaning habang nakaturo ang isang daliri kay Esha.

"Hi, Jannilyn."


Nilingon ko ang gilid ko nang umupo doon si Kyl. Naka suot ito ng white coat na sobrang bumabagay sa kulay ng balat nya. Ang mahabang itim na buhok nya ay malayang bumabagsak hanggang pangupo nya. Sa sobrang kapal nyun, lagi syang napagkakamalan na nakasuot ng wig.

"Hi doc." I smile. "Anong oras duty mo ngayon?"

She pout. "Night shift nanaman ako. Kailangan ko nanaman mag baon ng maraming gatas sa hospital."


I laugh as I heard that. "Sayang at hindi tayo sabay."

"You are the director of nursing. Ang daya lang ikaw ang nag dedecide ng sched nila!" She sighed. "But it's really okay though, this is part of my beloved profession."


Tumango nalang ako habang nakatingin sa kanya. Inayos ko ang pag kakasuot ko ng isang long sleeve na top ng makita nyun ang marka sa palapulsuhan ko.

"Jannilyn." I heard KC's voice.

Tipid akong ngumiti bago ako mag angat ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba nang kasabay ng pag angat ko ng tingin ay pagsalubong ko sa mga tingin nilang lahat.

"You cut your skin again." Seryosong saad ni Tresha sa gilid. Naka uniform ito na pang guro at may dala-dala pang mga folder.

"Why are keep hurting yourself?" Khaning ask.

Nilingon ko si Chloe nang banggitin nya iyon. Ang mga kaibigan ko ang sandigan ko sa mga panahon na hindi ko na alam kung paano lalaban sa gyerang hindi ko alam kung paano nagsimula at lalong wala akong ideya kung paano mag wawakas.

I force a smile. "It just an accident-"

"Jannilyn. We know you." Esha calmly said. "You can open up to us everytime."

Pilit nalang akong ngumiti at hindi na nagsalita. Mabilis na tumakbo ang mga oras at hindi ko namalayan na nakatayo na ako sa loob ng hospital. Nag-iikot ako kung tama ba ang ginagawa ng mga kapwa kong nurses.

"H-help!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki mula sa likod. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad papalapit sa direksyon nya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si David na nakahandusay sa sahig. May sugat ang mukha nito.

"Hey." Mabilis na saad ko bago sya inaalalayan tumayo. Hinayaan ko na kung saan ko man naiwan ang mga schedule na nakalagay sa isang notepad.

Epione: Paralyzed with pain (BS6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon