kabanata 20

117 3 0
                                    

It's been two years...

Full of pain but still doing the best I could, just not to hurt myself.

Two weak years had passed.

It's been two years, hindi ko alam na makakaahon ako ng mabilis. Marahil isang napakalaking kontribution doon ang mga pagtulog saakin ng kaibigan ko. Wala silang pinalagpas na mga araw na hindi ako matulungan. Isang napakagandang bagay.

"Kamusta na si Naillyn?"

Napangiti ako habang nakatingin kay mama. Akala ko no'ng una ay magagalit sya saakin ng husto, pero nawala lahat ng duda pati narin ang mga tampo. Dahil tinanggap nya ako ng buong-buo.

Pumatak ang luha sa mata ko habang nakatingin sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung saan ba dapat ako kumuha ng lakas ng loob para harapin sila.

Sariwa parin ang imahe ni Zyrrel sa isipan ko, pero kahit gaano ko kagustuhin na lumaban pa. Na makasama sya, ay hindi na talaga pwede...

Marahil, isang rason doon ay: Ayokong  maging kagaya ng ama ko. Ayoko na may masira akong relasyon dahil lang sa kagustuhan ko.

'A-Ate?'

Inayos ko ang sarili ko nang makita ko ang kapatid ko na lumabas ng bahay.  Pinilit kong ngumiti ng maayos nang magtama ang paningin naming dalawa.

'Illyn, bakit nandito ka pa?' Tanong nya nang lumapit sya saakin. 'Tara na, hinahanap ka na sa loob.'

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko buhat ng kaba.

'Sino sinong nandyan?' I ask her. Pasimple kong tinatanaw ang loob ng  bahay. Mukhang tahimik naman ang loob, pero hindi 'yun naka bawas sa kabang nararamdaman ko.

Kinunutan nya ako ng noo, 'nandyan sila lola, bakit may problema ba?'

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya, hawak hawak ko parin ang resulta ng ultrasound ko kanina. Tanggap ko naman na ang sitwasyon ko ngayon, pero alam kong magugulat ang mga taong malalapit saakin.

Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Natatakot ako na baka... Masira ko nanaman ang samahan naming pamilya.

'Illyn, tara na.' Ate said.

I glance at her. Mukhang nasasabik ang kapatid ko, ilang taon narin kasi simula noong huling beses kaming nabuo. Ilang taon narin simula noon, pero sariwa parin lahat sa memorya ko.

'Sige, susunod na ako.' I said.

Tumango nalang sya saakin bago nagpaunang maglakad papasok sa bahay. Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ako nag simulang maglakad.

Mabibigat ang bawat yabag na ginagawa ko, nag angat ako ng tingin sa langit nang maramdaman ko ang pag patak ng ulan.

Mukhang minumulto nanaman ako ng nakaraan...

Pero ngayon, pipiliin kong ngumiti sa ulan.

'Mama...'  I said as I sat near her.

Kumpleto sa hapag ang pamilya ko. Pati ang ibang kamag anak ko ay nandito din, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng nakaupo sa gilid ko.

Masaya, maingay.  Ganyan ang naging hapunan namin. Pero wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na pagtibok ng puso ko.

'Bakit Illyn?'

I force a smile to her.  'May sasabihin sana ako...'

Napalitan ang nakakunot nyang noo, ng isang ngiti na nagpawala ng kaba ko. Hinawakan nya ang isang kamay ko bago ako marahan na hinila patayo.

Epione: Paralyzed with pain (BS6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon