Maraming tao sa kalsada. Nilingon ko ang labas, malapit na akong makarating sa lugar kung saan alam kong pag apak ko palang babalik nanaman ang mga alaala ng nakaraan.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng ihinto ko ang sasakyan. Mariin akong pumikit bago balingan ang isang basket ng bulaklak sa passenger seat.
Maraming tao nga ang nandito sa mundo, pero bakit sya pa? Bakit sya pa ang nawala.
"Kamusta ka na, Pa?"
Agad akong umupo sa tapat ng lapida. Marahan ko iyong hinaplos, maalikabok na iyon at halatang hindi naalagaan. Mukhang hindi nabibisita.
Hindi ko na ininda ang pagkabasa ng mga damo at agad akong umupo doon. Minsan lang akong nagtutungo dito kasi gusto ko nang kalimutan lahat ng sakit.
Pero tuwing nagpupunta ako dito nauungkat ang lahat.
"Papa." I almost whisper. "Na mimiss na kita. Punta na ulit tayo sa park, tara na mag bike na ulit tayo."
Naramdaman ko nanaman ang pag init ng gilid ng mata ko habang nakatingin sa lapida. Marahan ko iyong hinahaplos, kasi 'yun lang ang paraan ko para makausap sya. Kahit wala nang sumasagot saakin.
"Papa, head nurse na ako." I bite my lower lip to prevent sobbing. "Hindi mo na kailangan mag trabaho. Ako na dapat ang bahala sayo kaso ang daya mo ih. Iniwan mo agad ako."
"Pero hindi naman kita masisisi." I force a smile. "Kasi pagod ka na. Pagod ka ng intindihin ang mga taong nasa paligid mo."
"W-wala ka namang kasalanan ih." I sobbed. "Nagmahal ka lang ng totoo kaya nasaktan ka ng husto, noong nalaman mo na niloko ka."
Tipid akong ngumiti habang nakatingin sa kanya. Inayos ko ang pag kakalagay ng bulaklak sa gilid ng lapida nya.
"Pa, I wonder if there is an antidote to this kind of pain. Kasi sobrang tagal na ng sakit na to, hindi manlang nabawasan kahit kaunti." Mahinang saad ko.
Naramdaman ko ang pagkalamig ng kinauupuan ko na sinabayan ng malakas na paghampas ng hangin. I pressed my lips as I look around. May iilan na tao ang nasa paligid. Kagaya ko may dala rin silang mga bulaklak pero hindi lahat sila malungkot. Ang ilan sa kanila ay nakangiti habang nakatingin sa lapida ng mga taong dinadalaw nila.
I wonder how can they smile like its nothing. Sana ako rin matanggap ko na lahat, sana ako rin makalaya na ako sa sakit. Sana ako rin, pero hindi madaling gawin 'yun.
"Pa, dadalawin nalang ulit kita ah" I said.
"I need eat at the right time. Nag babawi kasi ako ng lakas lalo na hindi ko alam kung paano lalagpasan yung mga nangyare nitong nakaraan."
"Si tito nga pala. Nag paramdam sya noong nakaraan" Mapakla akong tumawa. "Hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng lakas ng loob para kausapin ako, pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa pamilya natin."
Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang pag kulo ng tiyan ko. Nagbaba ako ng tingin sa relos na suot ko. It's 12:15 PM. Hindi pa ako nag aalmusal.
"Pa, babalik nalang ako ulit." I smile. "Marami pa akong kwekwento sayo ih."
Pinagpagan ko ang pants ko bago dahan dahan na tumayo. Ilang beses kong nilingon ang lapida nya bago ako maglakad palayo.
Saktong pag pasok ko sa sasakyan ko bumuhos ang ulan. Napalunok ako nang lingunin ko ang puntod ni papa.
'Papa, sabihin mo kay mama. Maligo tayo sa ulan.'
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
Lãng mạnFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...