kabanata 19

120 3 1
                                    

Napahikab ako habang naglalakad papunta sa isang coffee shop. Hindi ko inaasahan na ganito magiging nakakakaba ang araw na ito.

"Raven," I said. "anong oras ako dapat pumunta sa clinic?"

'I'll chat my friend about your sched. Nasa Baler kasi ako ngayon ih.' She sighed. 'But don't worry... Ako na 'yung bahalang mag update sa kanya.'

"Thank you." I said.

Kaibigan ni Kyl si Raven, iisang med school lang ang pinasukan nila noon. Habang tumatagal, mas lalo na din kaming napapalapit kay Raven. Raven is Kyl trusted friend, talaga nga namang mapagkakatiwalaan ang isang 'yun.

'Don't mention it. Paki sabi nalang kay Joxzel, invited nanaman sya sa isa pang medical mission this year.'

"I will," I paused. "thank you ulit ah."

Hindi na ako nag atubiling patayin ang tawag pagkatapos nyun. Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko nang natanaw ko ang logo ng restaurant ni Zyrrel. Kung normal na araw ito ay panibagong didiretso ako doon, pero ngayon ni hindi ko magawang maglakad papalapit doon.

Hindi ko maiwasang ma miss ang paborito kong spot. Ang ganda pa naman ng tanawin doon. Sayang lang hindi na ako makakabalik doon, kagaya noon.

Napabuntong hininga ako bago pumasok sa coffee shop. Tahimik at maaliwalas naman ang paligid, pero iba parin kasi sa nakasanayan ko.

"Late ba ako?" I mumbled to myself as I glance at the man sitting near me.

Mukha itong abogado sa suot nitong damit na tinernuhan pa ng kanyang salamin. He look a genius man, with a jaw dropping face.

"Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Agad naman itong nag angat ng tingin. Nakita ko ang pag kurba ng gilid ng labi nya kasabay nang pagtama ng mata namin.

"I'm just early."

"You look like an attorney."  Pabirong saad ko, bago ako tuluyang umupo sa tapat nito.

"Maybe because I really am."

Saglit na napauwang ang labi ko dahil doon. "You are an attorney?"

He nod. "Why?" Natatawa syang tumingin saakin. "mukha ba akong hindi nag sasabi ng totoo?"

"No. I'm just... Shock," Mahinang saad ko. "akala ko kasi negosyante ka or what."

He laugh. Nakita ko kung gaano kaputi ang ngipin nya nang gawin nya 'yun. Hindi ko maiwasang mamangha. Parang hindi makatotohanan ang ngipin nya, sobrang puti ih.

"Madalas nga akong pagkamahalan na ganyan."

Tumango nalang ako bago mag iwas ng tingin. Nilingon ko ang tanawin sa harapan ko, nahaharangan ng mga bahay ang bundok na lagi kong tinitignan. Puro tao at hindi puno ang nakikita ko dito. This isn't that good but it may do.

Lalo na ang tanging sadya ko lang naman dito, ay kahit paano ay maging kalmado bago ako kumunsulta sa doktor.

Hindi ko parin nasasabi sa mga magulang ko ang tungkol dito, mas lalo kong kinakaba ang bagay na 'yun. Pero kailangan kong harapin lahat. Ayoko ng tumakbo, ayoko nang magtago. I need to face everything now.

Kahit ano man ang maging resulta ng hakbang ko na 'to, atleast kahit isang beses naging buo ang loob ko sa pagharap sa mga problema.

"Tulala ka nanaman." 

Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang katagang 'yun. Mariin akong napapikit nang boses ni Zyrrel ang narinig ko at hindi kay Dominic.

I gulp as I look at him. "May tinitignan lang ako." pag dadahilan ko.

Epione: Paralyzed with pain (BS6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon