"Jannilyn, I have to go."
Ngumiti nalang ako sa kaibigan ko na nagpaalam na. Mukhang may importanteng nangyare sa hospital kaya nagmamadali si Kyl.
"Salamat sa pagpunta," Mahinang saad ko dito.
Nakita ko ang marahan na pagtango nito kay Zyrrel bago tuluyang umalis. Nasundan iyon ng pagpapaalam ng iba ko pang kaibigan. Hindi ko naman sila masisi, matagal na akong nakatayo sa harapan ni Naillyn.
"Illyn," My mother mumbled.
Pilit akong ngumiti sa kanya, mukhang napapagod na sya. Katabi nya si papa na nakatingin saakin, halata ang pag aalala sa mga mata nito.
"Okay lang ho ako," Mahinang saad ko. Bahagya kong nilingon si papa. "sige na po, umuwi na muna kayo."
"Pero..." Nag aalangan na saad ni mama saakin.
Nilingon ko ang likod nya. Wala na doon sila lola, mukhang nauna na itong umalis kanina. Hindi rin kasi pwedeng mababad 'yun sa init. Masama 'yun para sa kanya.
"Okay lang ako ma," Ulit na saad ko.
"Ako na pong bahala sa anak nyo."
Nilingon ko si Zyrrel nang sambitin nya 'yun na ina ko. Mukhang seryosong seryoso ito, agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa.
"Sigurado ka ba?" My mom ask me, tumango nalang ako sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa kanya ah,"
Hindi ko na pinansin ang usapan ng ina ko at ni Zyrrel. Binalingan ko ng tingin si papa na ngayon ay nag aambang yumakap saakin. I smile, weakly before accepting the hug.
"Be strong, kuya is really proud of you." Mahinang saad niya sa tainga ko. "Your father is with her. Hindi nya papabayaan ang anak mo."
Pumatak ang luha sa mga mata ko nang marinig ko 'yun na sinabi nya. Tumingala ako sa kalangitan, ngunit hindi ko parin kinakalas ang pagkakayakap nya saakin.
"Maybe your right, papa." I murmured.
Marahan nyang kinalas ang pagkakayakap saakin. Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang mata naming dalawa. Siguro nga tama sya, masaya na syang naglalaro sa langit kasama ang ama ko.
Doon hindi nya na mararanasan ang sakit, doon hindi na sya mahihirapan pa.
"Aalis na kami ah, tara na Illyn..." My mother murmured.
Marahan akong umiling, "Aalis na rin kami mamaya-maya lang..."
Nag aalangan ma, naglakad na palayo ang ina ko. Nilalayan sya ni papa habang naglalakad. Tuwing lilingon patalikod si mama, ay ngumingiti ako sa kanya. Para isipin nya na okay lang ako.
Wala na ang mga tao nasa paligid namin. Tanging ako nalang at si Zyrrel ang naiwan sa tapat ng puntod ni Naillyn, wala akong balak umalis.
Nakatingin lang ako sa lupang pinaglibingan sa anak ko. Ang lapida nito ay may nakaukit na chef's hat. Halatang pinasadya...
"Thank you for doing all those things for her," Mahinang saad ko. "hindi ako nakatulong sa pagprepare ng mga gagamitin. Ni hindi ko na asikaso ang burol nya..."
"No, it's okay." Mabilis na saad ni Zyrrel. "Your friends made everything smooth. At hindi rin naman ako papayag na maging pangit ang paghahatid sa kanya."
Nagtikom ako ng bibig bago ko binalingan ng tingin ang lapida. Alam kong hindi ito ang huling beses na iiyak at masasaktan ako dahil sa pagpanaw nya. Alam kong hindi ito ang huling araw na magluluksa at malulungkot ako kasi wala na sya, at wala na din akong magagawa para mabago 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/234776603-288-k100286.jpg)
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
RomansaFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...