"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?"
Saglit akong lumingon sa likod ko kung saan nakatayo si mama. Nag aalala ang mga mata nito habang nakatingin saakin. Pilit akong ngumiti pagkatapos tumingin sa kanya.
"Okay lang ako, ma." Mahinang saad ko.
Nilingon ko ang kabuohan ng kwarto nang pihitin ko ang doorknob. Sumalubong saakin ang nakakabinging katahimikan.
'Mom, look I g-got this....'
Halatang kinakabahan si Naillyn habang nakatingin saakin. Inangat nito ang kamay nya kung saan nakita ko ang faucet.
Mariin akong napapikit. 'Naillyn.'
She smile. 'Mom, t-this isn't my fault... Maybe it just... so weak to hold itself.'
Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. Namumula na ang mukha nito habang nakatingin saakin. Mukhang kinakabahan nga talaga sya.
I sighed in defeat. 'Come here, we will ask someone to fix it.'
Napailing nalang ako nang maramdaman ko ang pagkabasa ng damit nya nang yakapin nya ako.
'Naillyn,'
Sumandal ako sa pader nang marinig ko ang tawa nya habang nakatingin sa kabuohan ng kwarto naming dalawa. Parang may kumurot sa puso ko nang ibaling ko ang tingin ko sa closet.
'Naillyn, we need to go.' Mariin na saad ko nang magtungo ako sa loob ng kwarto.
Halos mag kakalahating oras ko na hinahanap ang isang 'yun. Naningkit ang mata ko nang aksidente kong malingon ang closet sa gilid ko. Nakita ko ang pag uwang ng pinto nyun.
Napailing nalang ako nang marinig ang pagtawa nya doon. Mukhang pinipigilan nya na wag gumawa ng tunog.
'Nasan na kaya si Naillyn?' Inosenteng saad ko binaling ko pa ang atensyon ko sa ibang lugar. Nagkunwari na hindi sya nakita.
'Mom!'
Biglang sumigaw si Naillyn kasabay nang pagtalon nito palabas ng cabinet. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Mukhang nag cecelebrate ito dahil nagulat nya ako.
Marahan kong pinasadahan ng kamay ko ang pintuan ng cabinet. Hindi ko maiwasang mapaiyak habang nakatingin sa bagay na 'yun.
Kung noon pinipilian ko sya ng damit kasi aalis kaming dalawa, ngayon pipilian ko sya ng damit kasi aalis na sya.
Aalis na syang mag-isa, at hindi na magbabalik pa....
Gustuhin ko man na pigilan sya, wala na akong magagawa.
Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang damit na isusuot kay Naillyn. Punong puno na ito ng mga luha ko.
Mariin akong napapikit nang maalala ko nanaman kung anong nangyare kahapon.
'Yung mga mata ng ina nya habang nakatingin saakin, 'yung mga salitang narinig ko mula sa kanya.Baka nga tama sya.
Ako naman talaga ang pumatay sa kanya at hindi ang sakit na naramdaman nya. Baka ako nga talaga ang may kasalanan.
Kung hindi kaya ako tumakbo, kung hindi ko kaya sya tinago. Kung inayos ko lahat bago ako umalis baka iba ang nadatnan ko.
Baka nakasama pa ni Zyrrel ang anak nya nang mas matagal.
Nilingon ko ang isang frame na nalaglag sa likod ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makatayo, kahit pagewang-gewang pinilit kong maglakad papalapit sa larawan na nalaglag.
![](https://img.wattpad.com/cover/234776603-288-k100286.jpg)
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
Любовные романыFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...