kabanata 8

114 3 1
                                    

Nakita ko si Manang na nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ni Zyrrel.

"Manang." I called.

Pasimple kong nilingon ang loob ng kwarto. Sobrang tahimik doon. Ang ilang kasambahay ay nasa labas rin ng kwarto.

She glance at me. "Sige na pumasok ka na sa loob."

I nod. "Bakit hindi ka pumasok Manang?" Tanong ko bago hawakan ang doorknob.

She sighed. "Pumasok ka na at ikaw lang ang nakakapasok d'yan."

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya. Mag tatanong pa sana ako ng marahan nya akong hawakan ang braso ko. Mahina nya akong tinulak papasok.

Tipid akong ngumiti ng lingunin ko sya.

"Ikaw na ang bahala sa kanya." She mouth out. "Aalis na kami."

Tumango nalang ako bago isara ang pinto. Malalim akong napabuntong hininga bago ako lumingon sa may kama.

Nakita ko syang nakahiga doon, pero hindi sya gumagalaw. Nakapikit ang mga mata nito na animo'y tulog.

Mabilis akong humakbang papalapit sa kanya. Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa katawan nya. I pressed my lips while looking at him. Hindi ko alam na ganito kaamo ang mukha nya pag tulog.

Naanininag ko ang haba ng pilikmata nya sa kinatatayuan ko. Nagkibit balikat nalang ako bago maglakad papalapit sa kanya. Nilapat ko ang likod ng palad ko sa leeg nya upang pakiramdaman ang temperatura nya.

"Damn." Hindi ko napigilan mapamura nang maramdaman kung gaano sya kainit.

Ramdam ko ang mainit na paghinga nya nang ilapat ko ang palad ko sa noo nya.

Napabuntong hininga nalang ako bago kunin sa kwarto ko ang medicine kit na dala ko. Inalapag ko 'yon sa pinakamalapit na lamesa mula sa kama nya.

Luckily, I don't need to go downstairs just to complete what I need. Nilingon ko ang lababo ng kusina ni Zyrrel. May mga gamot din na nakalagay sa isang cabinet nya.


Piniga ko ang towel bago ilapat iyon sa noo nya. Napalunok ako nang makita syang gumalaw, buhat siguro ng lamig na dinudulot nyun. Inayos ko nalang iyon bago tumayo.

"I hope I won't fail this time." Bulong ko sa sarili ko bago isalin ang isang soup na niluto ko kanina, sa isang mangkok.


Naglakad ako papalapit sa kanya. Nanatili parin syang tulog. Marahil ay napagod sya ng husto sa byahe.

Kasabay ng paglapag ko ng mangkok ay ang pagtunog ng thermometer na nilagay ko sa kanya.

"38°C" I sighed. "Atleast bumaba ng isa."

"Hey." Nilapat ko ang kamay ko sa braso nya at marahan iyong ginalaw.

"Hmm?" He murmured.

I glance at the soup near him. "You need to eat before you take medicine."

Dahan-dahan nyang binukas ang mga mata nya. Mabibigat ang mga talukap ng mga iyon. Halata rin ang panghihina sa mukha nya.

"W-where have you been?" Halos bulong lang ang pagkakasabi nya nyun, hinang hina.


I force a smile. "Jan lang."

Inayos ko ang pagkakalagay ng unan nya para mas makakain sya ng maayos.

"You will feed me?" He ask.

Epione: Paralyzed with pain (BS6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon