Dinama ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, habang nakasandal ang likod ko sa gilid ng bathtub.
May mga araw talaga na bigla ko nalang nararamdaman ang lungkot na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. May mga araw na bigla nalang tumutulo ang luha ko, pero parang maayos naman ang lahat. Okay naman ang lahat, nakangiti naman ako kanina habang kaharap ko sila. Masaya naman ako pag may kasamang iba, pero ibang usapan pag ako nalang mag-isa.
"I thought I am over with it." Mahinang saad ko.
Madaling araw na ngayon, tulog na ang mga tao sa bahay. Habang ako umiiyak ng walang dahilan. Sobrang daming tumatakbo sa isipan ko... At wala akong ibang alam na tatakbuhan kundi ang tubig.
Marahil, dahil natatago nito ang mga luhang pumapatak. Pakiramdam ko lagi akong hinehele pag malapit ako sa tubig. Natutunan kong kumalma.
Note:
⚫8AM with IR publishing team.
⚫Book launch
Nakatingin ako sa noted na 'yon habang nagpapatuyo ng buhok. Kasulukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama. Inayos ko ang pagkakakumot ni Naillyn, hindi ko maiwasang maalala kung anong nangyare nitong nakaraan.
"That's nothing..." I whisper to myself.
Siguro dapat iwasan ko nalang na magkita sila ulit. Mukhang hindi naman nakahalata si Zyrrel noong huli. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko nang humiga na ako sa tabi nya.
"I'm so sorry, baby." I whisper. "But it's better this way."
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaintay na tuluyang matuyo ang buhok ko.
"Mom..." Naillyn murmured, "I felt something wrong,"
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko para balingan sya ng tingin. Mabibigat ang mga talukap ng mata nito habang nakatingin saakin.
"Why?" I ask.
Ngunit imbes na sumagot ito, tuluyan 'tong pumikit. Napailing nalang ako. Mukhang nanaginip lang si Naillyn. Muli kong pinikit ang mata ko, agad naman akong dinalaw ng antok.
"Rise and shine, mom!"
Mariin kong pinikit ang mata ko nang maramdaman ko ang liwanag na tumatama doon. Mukhang binuksan na ni Naillyn ang bintana.
"Baby good morning," Mahinang saad ko bago mag-unat.
Mabilis akong tumayo para lumapit sa kanya. I hug her as tight as I could. Na agad ko namang kinalas nang marinig ko ang reklamo nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/234776603-288-k100286.jpg)
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
RomansaFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...