Napalunok ako nang lingunin ko si Manang. Nanliliit ang mga mata nito habang nakatingin saakin.
Muli akong napalunok nang lingunin ko silang lahat. Sa unang tingin palang alam ko na ang mga iniisip nila. Damn. Bakit ni hindi manlang nag abalang mag suot ng pantalon ang lalaking nasa tapat ko bago sya lumabas?
"Let's go back..." He said.
Seryoso ang mga mata nya habang nakatingin saakin, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ni hindi ko magawang intindihin ang bagay na iyon. Ang buong atensyon ko ay nakapukol lamang sa mga taong nasa paligid namin.
Para ko na silang pamilya ayokong iba ang isipin nila saakin.
"Zyrrel!" Sigaw ko nang umaangat ang paa ko sa lupa.
Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang mga hawak kong bag. I felt the warm of his touch. Halatang may lagnat parin ito. Ang kamay nya ay nakalapat sa pangupo ko habang buhat buhat nya ako na parang sako.
"Prepare my car." Pagsasa-walang bahala nito sa pagsigaw ko.
Tinpunan ko ng tingin ang mga bag na nalaglag malapit sa gate. Pinadyak-padyak ko ang mga paa ko, ganon din ang mga kamay ko na pinagwawasiwas ko ngayon. Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko, pero hindi ko magawang huminto hanggang sa pakawalan nya ako.
"Jannilyn. Stop." Mariin na saad nya.
I sighed. "Put me down, now."
Bumagsak ang balikat ko nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng mansyon. Ramdam ko ang panghihina ng katawan nya, damn. I almost forgot that he is sick.
Napalunok ako ng makita ko ang pag lock nya sa pinto ng makapasok na kami ng kwarto. Lumakas ang tibok ng puso ko. Bumalik nanaman ang nangyare kanina.
Bigla akong nakaramdam ng panghihina, nag iinit ang gilid ng mata ko. Ano nanaman ba tong nagawa ko? Ano nanaman ba tong problemang pinasok ko.
"Z-zyrrel. Just let me leave." Pinilit kong patatagin ang boses ko, kahit na nanghihina na talaga ako. Nanghihina naman ako.
Akala ko malaya na ako sa ganitong klaseng pakiramdam. Akala ko natutunan ko na ang pagkontrol sa emosyon ko, pero mukhang nagkakamali nanaman ako.
Nilapag ako ni Zyrrel sa gilid ng kama. Puno ng pagiingat ang bawat pag galaw nya.
Kasabay ng pagtama ng mata naming dalawa ang pagtulo ng luha ko. Bumabalik nanaman ang sakit.
"Damn it." He almost whisper.
May dumaan na emosyon sa mata nya pero agad din iyong nawala. Agad kong iniwas ang mukha ko ng maramdaman kong papahirin nya ang luha ko.
"You can't leave. We have contract, remember?" Seryosong tanong nya saakin.
Parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Tama sya, may pinirmahan akong kontrata at hindi ko narin alam kung may babalikan pa akong trabaho pagkatapos nito.
I pull myself together. "How c-could I work well, If there is something done between us?"
"I don't need you to work for me. I just need you to be with me." Mabilis na saad nya.
I gulp. Sobrang seryoso ng pagkakasabi nya nyun. Bakas din ang frustration sa mukha nya.
"Any of them won't be proffesional." Mahinang saad ko nang magbaba ako ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/234776603-288-k100286.jpg)
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
RomanceFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...