"Z-Zyrrel." Gulat na saad ko nang makalayo ako ng kaunti sa kanya.
Akmang hahakbang ulit ako patalikod nang hilain nya ako palapit. Hindi ko alam kung sadyang mahina lang o talagang malakas sya. Muli nya akong naibalik sa pwesto namin kanina.
"I'm so sorry." His voice almost crack.
"Zyrrel, let go of me." Mariin na saad ko sa kanya.
He sighed. "I want to talk."
"Zyrrel, we can talk properly if you let me go." I said.
"I want to talk to you in this position." Pagpupumilit nito.
Akmang magsasalita pa ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalunok ako bago balingan ang direksyon nyun.
"Ma'am," The nurse awkwardly smile. "I'm sorry..."
Pinagpapalit nito ang tingin saaming dalawa ni Zyrrel. Hindi ko maiwasang maramdaman ang hiya. Mabilis kong tinulak si Zyrrel papalayo saakin. Kahit kailan talaga.
"Kukuha lang po ako ng blood sample ni Naillyn," pinasadahan nya kami ng tingin. "okay lang ho bang pumasok na ako."
Mariin akong napapikit bago ako tumango. Kahit kailan talaga, ramdam ko ang pag iinit ng pisnge ko nang maalala ko ang nangyare kani-kanina lang. Napailing nalang ako bago ko sundan ang paglalakad ng nurse.
Nakita ko na nilabas ng nurse ang dalawang frame kung saan nya ilalagay ang sample ng dugo. I sighed, as I look at my daughter.
"Director Trazona," The nurse said.
Nilingon ko sya nang tawagin nya ako, matagal na simula noong may tumawag saakin ng ganon. Matagal ko nang nilisan ang medical field, kaya hindi ko maiwasang magulat sa paraan ng pagtawag nya sakin.
"Why?" I professionally ask.
"Nakita nya na ba 'to?"
Nanliit ang mga mata ko nang ituro nya ang likod ng anak ko. Mabilis akong tumayo para lumapit sa lokasyon nya. Tinignan ko ang likod ni Naillyn, nandoon parin ang bandage kung saan sya kinuhaan ng sample kahapon.
"Wala 'to kahapon." Mahinang saad ko habang nakatingin sa mga pasa likod nya.
Marahan kong pinasadahan 'yun ng kamay. Hindi ko maintindihan, wala naman ang lahat ng ito kahapon. Akala ko nga umookay na ang kondisyon nya.
Naramdaman ko ang presensya ni Zyrrel sa gilid ko, mukhang kahit sya ay nagtaka sa mga nakikita namin.
"What is the meaning of those?"
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang pattern ng bruises na nakalagay sa likod nya. Mabilis kong nilingon ang high chair. Kaparehong kapareho nyun ang mga marka sa likod ni Naillyn.
"Easy bruising..." I said.
Zyrrel glance at me. "Why those things happened?"
"Maybe her blood vessels are weakened by her disease." I said. Nagbaba ako ng tingin sa anak ko, masuri kong nilingon ang mata at bibig nito.
Nilingon ko ang nurse na nag-aayos ng sample ng dugo ni Naillyn. Hindi ko maiwasang kabahan habang nakatingin sa frame na hawak nya.
"I can see no bruise on her face," I pause as our eyes meet. "sa legs din nya wala. Ganon din sa mga braso... Ngayon ko lang napansin 'tong mag sintomas na ito."
"May mga cases kasi na ganon ih," The nurse said. "lalo na bata pa ang anak mo, Director. Baka dahil 'yun sa mga cells na hindi pa talaga nag fufully form. Or too much exposition to radiation..."
![](https://img.wattpad.com/cover/234776603-288-k100286.jpg)
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
RomanceFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...