"Naillyn, stop playing. Mag laland na ang airplane."
Nakasakay kami ngayon sa isang private jet na pag-aari ng mga Duran. Hindi ko lubusang maisip na babalik na ako sa Pilipinas, parang sobrang bilis...
Nakita ko ang pag tigil sa palalaro ni Naillyn, umupo ito sa tabi ko at sinandal ang ulo nya sa balikat ko.
"Mom, can I sleep there? Is lolo going to meet me?"
Marahan kong hinaplos ang buhok nya. Kahit ako ay namamangha sa bilis mag salita ng anak ko, kumunot ang noo ko nang magbaba ako ng tingin sa kamay nya.
"Bakit ka namumula baby?" I almost whisper.
Dinampi ko ang kamay ko sa braso nya, punong puno 'yun ng pamamantal. Mabilis ko syang binuhat pakandong saakin.
"Baby, masama ba pakiramdam mo?" I ask. Mabilis kong pinakiramdaman ang leeg nya. Napauwang ang labi ko sa sobrang init nya.
Mabilis kong nilingon ang cabin crew sa gilid namin. Nanatili sa pagkakandong ang anak ko.
"Miss. May paracetamol ba kayo?" I ask.
"Yes ma'am-"
"Pakikuha nga." Natatarantang saad ko bago balingan ang anak ko. "Baby, what are you feeling?"
She pout. "Heat?"
Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya, sobrang baba ng temperatura sa aircraft na 'to. Malabong makaramdam ng init ang anak ko.
"Naillyn, you need to drink medicine." I said.
Inabot ko gamit ang isang kamay ko ang bag sa tabi ko. Kung saan nakalagay ang medicine kit na laging dala ko. Kinuha ko doon ang thermometer.
"Baby, lift your arm." I said.
Mabilis kong nilagay doon ang thermometer sa pagitan ng braso nya. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang pagbigat ng talukap ng mata nya.
"Mama." Marahan kong tinapik ang pisnge ng ina ko.
Hindi ko talaga maiwasang hindi mataranta pag nasa ganitong sitwasyon na ako. Pag may sakit talaga si Naillyn doble dobleng kaba ang napupunta saakin.
"Mama..."
"B-Bakit?" She mumbled.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Naillyn nang maiabot saakin ng cabin crew ang gamot. Nanatili syang nakatayo sa harapan ko, pero ang atensyon ko ay nasa anak ko.
"Mama, nilalagnat si Naillyn." I said.
"Baka naman lagnat laki lang—"
"Ma naman." Mariin na saad ko.
Nilingon ko muli ang anak ko, nakatingin lang 'to sa bintana. Mabilis ko syang niyakap. Sobrang init nito.
"Ma'am, gusto nyo po ba syang pag soupin muna bago sya painumin ng gamot?"
"Yes, please." Mabilis na saad ko.
Nasa anak ko lang ang atensyon ko. Sobrang dami nitong pantal na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi naman ito dating ganito.
"Baby, what did you feel?" I ask.
She glance at me. "I am sleepy, mommy."
"Hindi ka pwedeng matulog, you need to drink medicine ih."
Marahan itong tumango saakin bago tuluyang isubsob ang mukha nya saakin. Nararamdaman ko parin kung gaano kainit ang temperatura nya.
"Mom, can we land now? I felt the world shaking."
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
RomanceFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...