"Papa." I mouth out as I walk near his spot.
Napangiwi ako nang makita na sobrang daming ligaw na damo sa paligid. Parang may kumurot sa puso ko bago ako umupo sa harap nya. Isa isa kong tinanggal ang mga 'yun.
Guilty rin ako, sa hindi pag bisita sa ama ko. Pero ni minsan hindi ko nakalimutan ang mga importanteng celebration tungkol sa kanya. I make sure I won't forget everything.
"Mom, what are you doing there?"
Nilingon ko ang batang nasa gilid ko nang mag tanong ito. Nakakunot ang noo ni Naillyn habang pinagmamasdan akong magtanggal ng damo.
"Anak," I grab her hand as I call her. "I'll introduce you to your lolo."
"Lolo?" Takang tanong nito.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi nya kilala ang papa, si tito ang kinagisnan nyang lolo. Pero ayoko naman paniwalain ang anak ko sa bagay na 'yun. She deserve to know my papa.
"but..."
"Naillyn, he's my father." I said. "This man gave me life."
Napanguso ang anak ko bago balingan ng tingin ang lapida. Nakasuot ito ng dress na hawak hawak nya ang laylayan ngayon. Mukhang nagtataka parin sya sa mga nangyayare.
"But mommy, I havze lolo."
"Why baby," I smile. "don't you like to have two lolo?"
She nod. "Is thazt going to be o—kay?"
Hindi ko mapigilang mapangiti sa paraan ng pagkakasabi nya nyun. Hinawakan ko ang kamay nya para lumapit sya saakin.
"That is great." I assure her.
"O—kay!" She said.
Niyakap ko sya, habang pareho kaming dalawa na nakaharap sa lapida ni papa. Ngumiti ako bago pinadaosusan ng kamay ko ang lapida. Halata na pinagdaanan na ito ng panahon.
"Pa, nandito na ulit ako sa Pinas." Panimula ko. "Ang dami kong naipon na kwento sa'yo. Pero nakapagpaalam naman ako bago umalis diba? Hindi ko lang talaga maiwasang mamiss ka."
"Pa, may papakilala ako sayo." I smile as I wipe my tear. Nilingon ko kasi si Naillyn, hindi nya pwedeng makita na umiiyak ako.
"Si Naillyn po," I smile at my daughter as I say it. "she look close to you, papa. I wish you can see her."
Marahan kong pinunasan ang luha sa mata ko. Hindi kagaya noon, mas gumaan na ang kalooban ko. Nawala na ang galit sa dibdib ko. Nawala na lahat... Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging resulta ng pagpapatawad. Sana lang naisip ko ito noon para hindi na ako nagdusa ng mahaba.
"Papa, sana okay ka lang." I said. "Kahit nasaan ka man ngayon, sana masaya ka jan. Kasi ako Pa, masaya na ako. Okay na ako..."
"Sana kung nasaan ka man ngayon." Bahagya akong lumingon sa langit, nang may maramdaman akong butil ng tubig na pumatak mula doon.
"Mahal na mahal kita... Wag mong kakalimutan 'yan, papa." I said.
Niyakap ko si Naillyn nang paunti-unting bumabagsak ang mga tubig mula sa kalangitan. Mukhang malakas ang paparating na ulan.
"Papa, I'll go na po. Bibisitahin nalang ulit kita."
Mabilis kong kinarga ang anak ko at naglakad papunta sa sasakyan.
Umuulan nanaman, kaparehong sitwasyon noon pero iba na ngayon. Natutunanan ko ng ngumiti sa ulan. Hindi ko naman pala dapat sisihin ang mga bagay na 'to sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Epione: Paralyzed with pain (BS6)
Roman d'amourFor Jannilyn there is no cure invented to treat her pain. Life treat her like it's rival. There are a lot of factor that make her hurt herself: from her own family and the man she chose to be with. She fought for wrong man, in that battlefield she...