6

1.6K 19 0
                                    

6

MAXINE

Nagmulat ako sa hindi pamilyar na lugar pero sa tingin ko. Nasa hospital ako. Umupo ako. Napahawak ako sa ulo ko. Pucha ang sakit. Ano ba nangyari kanina?? Kusang tumulo ang mga luha ko ng maalala ko lahat. Di ko mapigilan ang pag labas ng luha ko. Paano ko nakayanang makinig sa kawalangyaang iyon. Ang sakit sobra yung mahal mo. Yung lalaking nangululila ka ng ng napakaraming taon ngayon halos nasa iyo na pero para pala sa iba. Nakalaan pala sa ibang tao at hindi sayo. Bakit nangyari pa samin yung nangyari noon kung ganito lang naman na kalilimutan nya ako. Na mawawala lang pala sya sakin.

"Miss? You're crying again?" rinig kong sabi ng lalaki sa gilid ng kama sa maliit na kama na higaan ng mga tiga bantay. Natigilan ako. Sino to!? Anong ginagawa nya dito? Tumayo sya. Halatang kagigising lang nya napaka gwapo nya halos kamukha na nga nya si Sean O'pry. Yung model na kasama ni Taylor Swift sa Blank Space na music video nya. Para itong model na lumapit sakin at hinawakan ang noo ko. Napaka init ng palad nya at ang sarap sa pakiramdam pero.

"Ok ka na ba miss?" Di ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. Parang nakita ko na sya kung saan di ko lang alam kung kaylan o saan nga ba... Basta nakita ko na sya.. Inalis nya ang kamay nya sa noo ko. Humarap sya sakin at paglalapit lapit na ang mukha nya sa mukha ko. Magkalapat pa nga ang mga ilong namin sa lapit. Well dahil matatangos naman ang ilong namin siguro malayo layo din agwat namin.

"Alam ko miss na gwapo ako pero di mo kaylangang lusawin ang mukha ko sa titig." mahangin nyang sabi na pinaningkitan ng mga mata ko. Aba!! Katapang ng hiya ng lalaking to! Porkit medyo kahawig sya ng one of the riches model in the world gumaganun na. Sapakin ko to eh. Lumayo ako sa kanya at kinonyatan sya sa ulo. Tss nakakainis kasi! Hmf!!!

"Aray!! Ikaw na nga lang tinutulungan ikaw pa may ganang manakit!" Ito. Humalukipkip nalang ako at tiningnan sya.

"Thank you hah. Ano masaya ka na!? Tss ang hangin mo!" Ako. Wait ano na nga bang oras?? Tingin ako sa orasan sa kwartong to. 9:30 na ng gabi!!! Shit!!!

"Gamit ko!? Phone ko" Nagmamadali kong sabi. Mabilis naman nyang binigay ang bag ko at mabilis ko iyong kinalalkal para lang makita phone ko. Pagkabukas ko nun ay mukha agad ni Jules ang nakita ko. Sya nag pic nya habang tulog ako at tulog daw sya pareho kaming nakapikit at nasa itaas nya ako.. Naiiyak nanaman ako kaya dali dali ko iyong inalis at mga anak ko naman ang bumungad sakin. Mabilis kong dinayal ng number ng cellphone ni manang Teresa. Mabilis namang nyang sinagot.

"Manang yung mga bata!?" panic kong tanong. Dali dali akong tumayo pero parang umikot ang paningin ko. Muntik na akong bumagsak pero nasalo ako ni.... Ahhh basta yung lalaking mahangin! Lumayo naman agad ako. Pero naka alalay parin sya sakin..

"Ma'am ayaw po nilang kumain. Umiiyak na po si Jade. Si Jace naman galit na galit na kasi wala ka pa daw. Si Jazz po gusto na pong lumabas para hanapin ka. Nakita po kasi nila sa news yung sasakyan nyo na mabangga sa poste." Napakamot ako sa ulo. Diyos ko bakit ba ako biniyayaan ng mga gwapo at magandanpero praning na mga anak. Manang mana sa tatay nila..

"Pakausap po sa kanila." Sabi ko habang inaalis ang naka tusok sakin na dextrose.

"Kuyang mahangin nakabayad na ba dito?" Tanong ko.

"Oo naman. Ano tingin mo sakin wal---"di ko na sya pinakinggan dahil na rin narinig ko na ang iyak ni Jade. Lumabas na ako ng hospital room ko at ang daming nakatingin sakin. Bakit naman kaya!?

"Nanay huhuhu." Si Jade. Parang lumambot ang puso ko. Dahil sa narinig ko. Natakot sila dahil sakin.

"Are you ok nanay?" Si Jace na umiiyak din.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon