52
JULES
"According sa pag sunod sunod namin sa mga footage ng dinaanan ng van na kumuha kay Amon. Sa isang lugar sa Laguna nga sya dinala. They stay there for couple of days.then lumabas na ulit yung van. Pina pasok na namin ang lugar bago pa namin sabihin sayo. Ang masama wala na roon sila" pagpapaliwanag ni Makkie sa pangyayari. Napatango nalang ako. Pinakita pa nila sa aking ang lugar. Parang normal na bahay lang ito pero walang kalaman laman ang loob. May mga kadena na nakasabi sa kisame ay puro talsik ng dugo ang puting sahig. Bwisit saan naman nila dinala si Amon!
"Nasaan si Amon?" Tanong ko. Napabuntong hininga sya.
"Tauhan nalang ang naabutan nila roon. Actually may dalawang regalo pa sila sa atin. Sinubaybayan ko na rin ang pag alis ng van sa location nya. Hanggang sa makarating sya sa certain spot na walang cctv. Puro bakanteng lote ang lugar na yun at damuhan. Alam ko ang lugar na yan. Walang ibang daanan dyan..
At di naman kalayuan ang susunod na cctv. I think tinapon nila dyan si Amon. Dahil wala naman na silang pinuntahang iba pag katapos nilang madaan dyan. Balik agad sila sa bahay." Sagot pa ni Makkie habang isa isang pinapakita lahat ng na hack nyang cctv footage. So it means tinapon nila roon si Amon. Tinignan ko ang time and date nun. Kagabi lang.
"May nakahanap na ba sa kanya?" Tanong ko. Kinakabahan ko. What if patay na sya. What if--- arrg!! Badtrip ano ba iniisip ko!!
"Ewan ko kung good news to. Wala kaming nahanap kundi dugo pero wala sya roon. Wala rin nagbabalita sa news diba sigurado naman na kung patay sya mababalita yun sa tv. Pero wala." Nabuhayan ako sa sinabi nya. Shit shit shit!!
"Halughugin nyo ang lahat ng nakapaligid. 5 kilometers paikot sa lugar na yun. Hanapin nyo syang mabuti at wala kayong ititirang lugar na di nyo napaghanapan. Naiintindihan nyo ba ako!!?" Utos ko sa kanila. Agad naman silang nag si sang ayunan.
Di ka pwedeng patay. Mamamatay din ako. Patay ako sa asawa mo't kapatid pag nangyari yun!!
"Someone's calling sir." Sabi ng lalaking nasa gilid ko. He is Rafael. Yung nakaligtas sa feeding room. He is like a shadow. Lagi syang nasa tabi ko. Ofcourse pwera sa loob ng office ko, kwarto at banyo. Adik ba sya para sundan ako roon. Maayos naman sya di sya lumalabas ng HQ. Naging butler na sya rito. Pero di parin ako nag titiwala sa kanya. He is from the other side remember?
Napatingin ako sa phone ko na nasa lamesa sa harap ko. Si papa. Yeah nakiki-papa na ako. Sabi nya eh! Agad ko namang sinagot yun.
"Pa? Something wrong?"
"Its Lana. She's here. Umuwi sya." Napatayo ako. What the fuck!!
"What? Paanong naka uwi sya?" Gulat na gulat kong sabi. Nakaka asar. Bakit hinayaan ni Lander na makauwi rito si Lana!!
"Tinulungan daw sya ni Maxine para makatakas." Napahawak ako sa noo ko ang mag kaibigang yun.
"Pupunta nalang po ako dyan. Ihahatid ko nalang po sya---"
"Sir Jules!!!!"
"Ahhhh punyeta!!!" Ang lakas ng boses nya!!
"Sir Jules!! Pag wala kang nasabing maayos tungkol kay Amon!! Huhuhu nasan na sya? Please gusto ko na syang makita. Alalang alala na ko sa kanya." Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ko ang iyak ni Lana. Alam ko ang nararamdaman nya pero wala parin akong nasabi. Wala parin akong alam kung nasaan sya.
"I'll be there in a minute. Mag usap tayo." Sabi ko nalang sa kanya at pinatay na yung tawag.
"Rafael, come with me." Utos ko sa kanya. Siguro naman pwede ko syang ilabas ngayon.