9
JULES
"Pumasok ka pa kuya? Dapat nagpahinga ka nalang." Sabi ni Anthony sakin kapatid ko. Di ko rin alam kung bakit pinilit kong pumasok ngayon kahit na in-advise ng doktor na magpahinga ako kahit na dalawang araw lang. Pero ayoko.
Na bo bother ako sa mga lumalabas sa utak ko. May napapaginipan akong babaeng hubad na nagmamakaawa habang nakatuwad. Ano yun? Di ko makita ang mukha nya pero napaka brutal ng ginagawa ko sa kanya. Ginawa ko ba talaga yun? Sino yung babae? Halatang hindi si Selena yun. Napaka puti ng babae sa panaginip ko. At halatang bata pa. Shit! Rapist ba ako dati?
"Kuya." pukaw ni Anthony sa atensyon ko.
"Ok lang ako. May band rehearsal kayo diba??" Tanong ko. Ang loko sumikat. Sila ng mga kaibigan nya.
"Pinakiusapan ako ni daddy na tulungan ka muna dito. Ano ok ka na ba talaga?" Tanong nya.
"Oo maayos na ako. Wag mo nang alalahanin. Alam ko namang allergic ka sa opisina" inalukan ko na sya dati ng pwesto rito pero ayaw nya. Mas gusto daw nyang mag perform. At saka di nya mahahanap ang mahal nya kung tetengga sya sa office. Sana lang mahanap na nya si Kia.
"Ok sabi mo eh.." lalabas na sana sya pero biglang pumasok si Maxine. Parang sumaya yung kalooban ko ng makita ko ang mukha nya.
"Max." Si Anthony sabay yakap kay Maxine. Bakit ba lahat ng nakapaligid sakin kilala sya. Bakit ako lang ang di nakaka kilala sa kanya?
"Thanks for being with my brother. Kung wala ka doon baka ano na nangyari sa kanya " Sabi nito kay Max. Nakaramdam ako ng inis. Pakiramdam ko ayokong ipahawak si Max sa lahat ng lalaking makakasalamuha nya. Pero bakit!? bakit ko nararamdaman to. Ano ba sya sakin?
"Ehem!" pagpukaw ko sa atesyon nila. Mabilis naman silang nag hiwalay. Buti naman.
"Kuya paki ingatan to ok? First all ko to. Haha.." Sabi nito at hinalikan pa sa noo si Max. Mas lalong nag init ang ulo ko. Bwisit!
"Bye Max. Bye kuya!!" ito at lumabas na. Naiwan kami ni Maxine sa loob. She look so weak today at parang kaiiyak. Gaya ng nakaraan ay sinabi nya ang sched ko. Parang nagsasalita sya sa hangin. Walang kausap. Sa hawak lang nya sya nakatingin hanggang matapos sya.
"Ayun lang po sir. Lalabas na po ako." yumuko sya ng kaunti at lumabas na. She become more cold and distant. Bakit ako nag aalala sa pagiging cold nya? Feeling ko di ako sanay. Shit!!
Nagalit kaya sya dahil sa sinabi ko kahapon? Nag init lang naman ulo ko. Bakit kasi kung makalapit yung Zepry Cast na yun parang sila! Nakaka badtrip nakaka inis. Sarap manadyak. Fuck! Maxine ano ginagawa mo sakin! Bakit simula ng dumating ka gumulo ang utak ko. Bakit pakiramdam ko kasinungalingan ang pinaalam sakin na makaraan ko. Fuck!!
Pinindot ko yung botton sa gilid ng table ko. Madali naman nyang sinagot iyon.
"Ano po yun sir??" Tanong nya. Ano nga ba? Bakit nga ba? Wala akong masabi..
"I just... Uhhhm wanna say thank you..."
"You're Welcome sir. Ginagawa ko lang po trabaho ko." Sagot nya. "Ayun lang po ba?" Tanong nya.
"Ahhhh gusto kong pumunta sa school na sinasabi mong pinag turuan ko. Can you come with me??" Tanong ko. I just wanna know kung totoo ang sinasabi nya. Pag totoo at may nakakilala sa akin doon. Maniniwala na ako sa lahat ng sinasabi nya. Maniniwala na ako sa kanya.
"Ok po sir. Kaylan po ba?" Tanong nya. Bakit ba kasi ang cold nya?
"Now."
"Now!? As in ngayon na po sir?" Gulat nyang tanong ano nakakagulat doon?